Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tone-toneladang patay na isda, lumutang sa lawa

0 64

Tone-toneladang patay na isda ang lumutang sa Sampaloc lake sa San Pablo City, Laguna matapos magka-fish kill nitong weekend.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang pagkamatay ng mga alagang isda sa mga fish cages ngayong taglamig ay dahil sa natural phenomenon na tinatawag na “duong” o “pagbaliktad” ng tubig.

Batay sa report ng BFAR, nasa dalawang tonelada ang biglang nagsipaglutangan sa mga fish cages sa Sampaloc lake na tila aniya kinakapos sa hangin.

SM food to go Banner Ad

Ang iba namang isda katulad ng wild ayungin at ilang klase ng carpa ang nagsilanguyan patungo sa pampang.

Nitong Lunes ay kumuha na ng sample ng tubig sa lawa ang BFAR upang masuri.

Pinayuhan naman ng BFAR ang mga residente na huwag ng ibebenta ang mga patay ng isda. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.