Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Toni 2 ang show sa Villar TV

0 185

May tsika na dalawang proyekto ang nakaamba sa Queen of Multimedia actress-TV host Toni Gonzaga kapag nagbukas na ang AMBS.(Advance Media Broadcasting System).

Ito ay pag-aari ni dating senador Manny Villar.

Ang TV host na si Willie Revillame umano ang itinalaga ng dating senador para mamuno ng nasabing bagong network.

Magmula nang mag-volunteer si Toni na umalis bilang host ng Pinoy Big Brother dahil sa pagkondena ng mga kapwa niya celebrities sa ABS-CBN ay iisa na lang ang pinagkakaabalahan ng TV host-aktres, ang kanyang YouTube Channel na Toni Talks.

Samu’t sari kasing reaksyon ang natatanggap at nababasa ni Toni sa kanyang social media account dahil sa paghu-host niya sa UniTeam.

SM food to go Banner Ad

Hanggang ngayon na malapit na ang eleksyon (May 9) ay hindi pa rin tinatantanan ng mga batikos si Toni.

Pero, kahit anong masasakit na salita ang binabato.ng mga netizen sa TV host ay dinededma na lang niya ito.
Kumbaga, pasok sa isang tenga, labas sa kabila.

Ang tanong ng mga netizen ,makakabalik pa raw ba si Toni sa Kapamilya kapag natapos na ang eleksyon 2022?
Sa PBB lang naman daw nag-resign si Toni at host at hindi sa network.

Well, well, well, magkakaalaman na lang kapag nag-announce ang network.

And if wala, baka nga i-grab ni Toni ang nababalitang dalawang programa na in-offer umano ng AMBS kung meron man.

Leave A Reply

Your email address will not be published.