Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Toni, Alex nagtalo sa ‘putukan’

0 253

ROMMEL PLACENTE: Inanunsiyo kamakailan ni Alex Gonzaga na kasal na siya kay Mikee Morada.

Sa parody account na @mommy_pinty, binati nito si Ale ng “Congratulations to my bunso! Pwede na maputokan”

Pakli ni Alex: “Anong pwede na? Tapos na!”

Puwedeng biro lang ito ni Alex. Pero hindi nagustuhan ito ni Toni. Inamin niyang ‘nagkainitan’ sila at may konting pagtatalo.

Sa pagkakaalam naming gaya ng kanyang ate Toni ay certified virgin din siya nang ikasal. Isinuko niya lang ang ‘Bataan’ after their wedding.

Bihira lang sa mga artistang babae natin na virgin pa rin nu’ng ikasal.Nakakatuwa lang ang magkapatid na na-preserve nila ang kanilang virginity ‘di ba mga ka-Cuatros?

Hindi katulad ng ibang mga aktres na hindi pa naman kasal ay nabuntis na.Though, hindi ko naman bini-blame sila.Uso na naman kasi ang pre-marital sex.

MILDRED A BACUD. Hindi naman sa nanghuhusga pero sa panahon ngayon, parang nawawala na rin ang values ng mga kabataan. Aminin natin na uso na talaga ang pre-marital sex. Hindi exemption ang mga artista. Mas nagagawa pa nga nila ang gusto nila. Once nagkaroon ng sariling pera, umaalis na sa poder ng magulang at nagiging independent na.

Pero in fairness may mga artistang bina-value pa rin ang mga pangaral ng magulang Meron pa rin takot sa parents o sabihin na nating masunuring anak tulad ng magkapatid na Alex at Toni Gonzaga. Sinuko nila ang bataan pagkatapos nilang ikasal at saka lamang sila umalis sa poder ng magulang nila.

Kaya nga maging si Carmina Villarroel ay hanga kay Toni. Sagot niya sa tanong sa kanya sa isang vlog, kung papayagan niya ng bumukod ang anak na si Cassy, “Hindi ko pa maisip yan.Sabi ko nga kay Cassy, sana maging Toni (Gonzaga)siya.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hanga rin ako kay Pauleen Luna na umalis lamang sa bahay nila nung ikasal kay Vic Sotto.

RODEL FERNANDO: Actually ang cute ng palitan ng salita ng magkapatid na Toni at Alex. Gusto ko ‘yung tinawag ni Alex si Toni ng Cardinal Tin. Parang sinasabi niya na napakalinis ng kapatid niya dahil hinahalintulad siya sa isang pari. Bagay na hindi naman inalmahan ng nakakatandang kapatid.

Pero sa totoo lang biro man o hindi ang sinasabi ni Alex na naputukan na siya bago ang kasal niya ay hindi ito nagustuhan ng kapatid. In fairness naman kasi kay Toni ikinasal siyang virgin at ito ang gusto niya sigurong ipaalala sa bunsong kapatid.

Anyway,naputukan man si Alex ay hindi na mahalaga ‘yun. Ang importante pinakasalan siya at hindi siya tinalikuran ng napangasawa niyang si Mikee. Maaaring iba ang pananaw ni Toni sa matrimonya ng kasal na kung puwede ay mauna ito bago ang sex.

ROLDAN CASTRO: Basta gayahin ng mga young stars natin sina Toni at Alex. Importante sa kanila ang kasal.

‘Yung iba kasi very proud pa na nagli-live in kahit walang basbas ng simbahan.

Tigilan ‘yung patikim-tikim lang at walang seryosohan.

Lalo na ‘yung nade-develop sa taping at shooting . Magsasalo sa isang gabi tapos parang walang nangyari after ng shooting.

Tsuk!

Leave A Reply

Your email address will not be published.