Abante Tonite Interactive

Toni, Alex nganga sa award

328

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

Ngayong naibigay na ang mga tropeo sa MMFF 2018, magbabago pa kaya ang box office standing ng mga pelikulang kalahok?

Ang Fantastica: The Princesses, The Prince And The Perya nina Vice Ganda, Dingdong Dantes, Richard Gutierrez, Otlum ni Ricci Rivero, Mary, Marry Me nina Toni at Alex Gonzaga at The Girl In The O­range Dress nina Jericho Rosales at Jessy Mendiola, silang apat walang karangalang inuwi, ang kanilang mga sinehan mababawasan, pagtabo sa takilya, matatapyasan at maapek­tuhan kaya?

Dahil hindi pumasa ang mga ito sa pihikang panlasa ng mga hurado, hindi ba kataka-taka at kakahibang na kasali sila sa taunang festival?
Ngayong 11 tropeo ang iginawad sa Rainbow’s Sunset, nadagdagan na raw ang kanilang mga sinehan.

Ang panalangin, lambing at hiling ni Direk Joel Lamangan sa mga theater owners, na hindi lang dapat pulos komersyo at kita ang mahalaga sa MMFF, makikinig ba ang mga powers that be nito o tulad ng dati, tengang kawali at patay malisya pa rin sila?

Sabi sa akin ni MMFF best screenplay winner Eric Ramos, 51 cinema lamang ang ibinigay sa Rainbow’s Sunset. Hindi na kailangang i-memorize pa kung ano ang mga pelikulang pinaboran. We don’t have to state the obvious.

Bakit nga ba hindi equitable ang distribution ng mga cinema? Taon-taon, ito ang problema. Bakit tila walang pangil at tapang ang pamunuan ng MMFF na pagsabihan ang mga theater owner sa hindi nila makatarungang pagbabahagi sa mga sinehan?

Sa most awarded film sa MMFF, may aasahan pa ba silang dagdag sinehan dahil sa kanilang tagumpay? Noong gabi ng parangal, sa 19 cinema na lang itinatanghal ang Rainbow’s Sunset, ilan na kaya ngayon?
***

Dennis tinalo si Eddie

Ang biggest surprise sa mga major winner ay ang pagkapanalo ni Dennis Trillo sa pinakamahusay na actor para sa One Great Love. Sa mga nakapanood na nito, talaga bang kayang talunin ni Trillo ang dakilang actor na si Eddie Garcia na sakdal husay sa Rainbow’s Sunset?

Ang special jury prize ba para kay Ginoong Garcia ay maituturing na pampalubag loob? Eh ang special jury prize para kay Max Collins na talagang kinagitla nito, tandang pandamdam ba ito para sabihin sa lahat na iba talaga ang husay at galing ni Mrs. Pancho Magno?

Kung pumasa siya sa pihikang panlasa ng mga MMFF hurado, pati na rin sa film master na si Mike de Leon kaya isa siya sa privileged few na kasama sa Citizen Jake, ang mga taga-GMA Artist Center, may major, major plan ba sila para kay Collins?

Sa TV plug para sa first quarter offering sa Kapuso network, Max is nowhere in sight. This is how you reward her? Nagtatanong lang po.

Hanggang ngayon ba hindi pa kayo kumbinsido na ang iniwang great actress chair ni Iza Calzado sa inyo, si Max Collins ang dapat humalili at mag-reign sup­remely na?

Ang 85 years old at movie queen and icon na si Ms. Gloria Romero, dahil nga siya ang storyteller sa isang Sunday fantasy drama sa GMA 7, will they fete a victory party for her at sa pelikulang kasali siya? Ipapadama ba nila sa isa sa mga pambansang kayamanan natin kung paano talaga magmahal at magbigay ng importansya ang mga Kapuso?
***

Pelikula ni Vice bokya sa Gabi ng Parangal

Best Float, Best Editing at FPJ Memorial Award ang ibinigay sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles. Dahil nga umuwing luhaan sa awards night ang Queen Bayot led Fantastica, ito na kaya ang panahon na matatalo na si Vice Ganda dahil nga sa pinagsanib na powers at lakas nina Vic Sotto, Maine Mendoza at Coco Martin?

Sa tatlong tropeo na meron ang Jack, makakalapit na kaya sila sa pinapalutang na ang kinikita ng Fantastica, sobrang layo at siksik, liglig ay umaapaw na talaga?

If we are to accept the box office supremacy of all the movies of Vice Ganda in the recent years, these triumphs, what are they trying to tell us?

That we have audiences na ang gusto lang ay tumawa tuwing Pasko, kuntento na sila sa shallow pursuits and enjoyment? Na ayaw na nilang mag-isip, ayaw na sa mga aral, basta balahura, kuwela?

Wala na ba talagang magagawa para mas magaba­yan ang mga manood at itama ang kanilang viewing choices and habits?

Kung ipadala kaya natin ang Fantastica: The Princesses, The Prince And The Perya sa mga foreign film festivals, ano nga kaya ang magiging chances of winning natin?