Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Toni bida sa US Film

0 67

Ang ganda ng dumating na blessing kay Toni Gonzaga at this time of pandemic. Well, siya lang naman ang mapalad na napiling maging leading lady ng Filipino-American actor na si Dan Basco na isu-shoot sa New York.

Ang pelikula ay may titulong Asian Persuasion na ididirihe ng Tony Award-winner na si Jhett Tolentino.

Makikita ang larawan ni Toni at Dante sa confirmed cast na ipinost ng Asian Persuasion official Instagram page. Nakasaad din dito ang deskripsyon ng kanilang mga karakter.

Dante and Toni will be playing Mickey and Avery, a divorced Asian American couple na nakatira sa New York City.

“Mickey is an Asian-American who owns a run-down coffee shop in Queens. He was once an aspiring fine-dining chef whose culinary dreams and ambitions were derailed by self-doubt and depression following his parents’ sudden death during his senior year in college. He is a great dad to his daughter but is generally a slacker in all other aspects of his life.

“Avery is a beautiful and stylish Asian-American who owns a fashion design business in the Lower East Side. She is the opposite of Mickey and is very organized and career-driven. She is responsible and a loving mother,” ang deskripsyon ng mga karakter nina Dante at Toni.

Ang buong pelikula ay isu-shoot sa New York na sisimulan sa 2022.

Klea bagong pagseselosan ni Barbie

Masayang-masaya si Klea Pineda sa kanyang pagre-renew ng kontrata sa GMA-7 kahapon.

“Sobrang saya ko po,” ani Klea sa virtual presscon kahapon, “masayang-masaya ako dahil meron na naman po akong maraming taon para mabigyan ng halaga ang ginagawa ko rito sa industriyang ito at para mas maipakita ko pa ‘yung talento na ibinibigay sa akin.”

Ngayon nga ay may bago nang aabangang proyekto kay Klea pagkatapos ng Magkaagaw, ito ay ang drama series with Jak Roberto, ang Never Say Goodbye.

“Love story siya with a twist na about health, lalo na ngayong pandemic, sobrang malaking bagay po ‘yung health natin dahil nasa pandemya po tayo. Kaya mapapakita po rito kung paano natin pahalagahan ‘yung sarili natin at ‘yung mga taong nakapaligid sa atin,” paglalarawan niya sa kanyang bagong serye.

At dahil nga si Jak ang kapareha niya rito na alam nating very much in a relationship, biniro namin ang aktres kung hindi ba siya natatakot na pagselosan siya ng girlfriend nitong si Barbie Forteza.

Natawa si Klea at sey niya, “alam ko naman po na si Barbie, very professional din po po at alam niya rin ‘yung trabaho na ginagawa namin na work lang, na walang personalan, hindi makatotohanan, talagang kailangan lang naming gawin for work. And I’m sure, maiintindihan naman po ‘yun ni Barbie.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.