Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Toni binanatan ng Kapamilya writer

0 142

Pinuna ng ABS-CBN writer na si Jerry B. Gracio ang ginawa ni Toni Gonzaga kaya naman binanatan niya ang TV host sa social media.

Hindi nagustuhan ng writer ang pagso-sorry ni Toni sa na-evict na PBB housemate na si Russu Laurente na pumabor noon sa pagsasara ng ABS-CBN. Kaya naman sa kanyang Twitter account ay nagbigay siya ng mensahe sa TV host.

“Toni, libo ang Kapamilya natin na nawalan ng hanapbuhay. Ano ang karapatan mong mag-sorry sa ngalan ng isang housemate na pumabor sa pagsasara ng ABS-CBN? Wag mong insultuhin ang mga Kapamilya na lumaban pero nawalan pa rin ng trabaho, di tulad mo na may trabaho pa rin ngayon,” tweet ni Jerry.

Samut sari naman ang naging reaksyon ng netizens dito. May kumampi kay Toni dahil tama lang naman daw na patawarin si Russu dahil bata pa ito at hindi pa matured ang mga actions.

“Hello, I have nothing against your grievance abt the shutdown. I, too, was and still a supporter of the network. But trying to put my perspective in Toni’s, maybe she also considered the age or immaturity of Rummus on why he did the deed before,” pagtatanggol ng mga netizen.

Mayroon din namang sumang-ayon sa writer at binatikos din si Toni sa pagiging pro-administration.

Leave A Reply

Your email address will not be published.