Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Toni binitin ang director ng New York movie

0 63

Pinaliwanag ng director ng Asian Persuasion na si Jhett Tolentino kung bakit nawala sa nasabing pelikula si Toni Gonzaga.

“Okay, I just want to make this straight. Toni Gonzaga was my first choice. Right. And then two weeks before our pre-production, so mid-February. I got an email from her management saying that she has a conflict or in the schedule.”

Sambit pa niya, that time raw ay na-arrange na nila ang trip ni Toni papuntang New York and her political affiliation had nothing to do with her leaving the production.

Esplika pa ng direktor: “Yung sa akin lang, once you commit tapusin, and then so ‘yun, I started the petition. I paid for her work visa. Nagbayad na kami, and then ‘yun, they gave a notice na hindi siya… conflict of schedule. And ako naman, yeah, I have to admit I panicked a little… Kasi siyempre two weeks before ng pre-prod wala ‘di ba, So kaya ko tinawagan si Sharon, sabi ko, ‘Nasaan ang anak mo?’”

At si KC Concepcion na nga ang pumalit na dapat ay si Toni ang bida.

Komento naman ng mga netizen regarding sa pagkawala ni Toni sa Asian’s Persuasion.

“Kung mas malaki din naman ang kikitain ni toni dito e. Edi better nga na dito na lang siya”

“Hindi akma kay Toni kasi more on family ang priority ni Toni tapos mapapalayo pa sya kapag taping so okay lang ibigay kay KC.”

Ang sabi naman ng isang netizen kaya raw inalis si Toni sa project “dahil sa kanyang mga nega issue. periodt”

“Mas kikita ‘yang movie pag si Toni G. kasi wala namang fan base si KC tsaka ang tagal na rin nyang hindi visible, in short nakalimutan na siya ng tao.”

“Weird na toni is the director’s top Choice parang di naman bagay yung role kay toni based on the article”

“Siyempre priority ni Toni si Paul and family niya. “Understandable pero unprofessional pa rin. But it happens so let Toni do her thing.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.