Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Toni di ‘masikmura’ si Alex

0 257

Sa isang panayam, sinabi ni Toni Gonzaga na ang ideya ng pagkakaroon ng sariling YouTube channel ay nanggaling mismo sa kapatid niyang si Alex na isa sa highest paid celebrity vlogger sa bansa.

Noong una raw, gusto ni Alex na magkaroon sila ng joint account o maging co-vloggers ng kanyang younger sistah.

Pero natagalan siya bago makumbinsi na pasukin na rin ang vlogging dahil para sa kanya ang nasabing platform ay hindi akma sa kanyang personalidad.

Sey pa niya, hindi raw niya kaya ang ginagawang prank ni Alex sa mga nagiging guests nito sa kanyang vlog tulad kina Raffy Tulfo, sa inang si Mommy Pinty at sa iba pa. Tila hindi niya ‘masikmura’ ang ginagawa ng sister niya.

Magkaiba raw kasi ang personality nila ni Alex dahil galawgaw ito at siya iyong tipong seryoso.

Madalas nga raw nagka-clash sila noong bata pa sila dahil opposite talaga ang ugali nilang magkapatid.

Aniya, noong sumabak daw sa showbiz si Alex, gusto niya itong maging ‘discreet’ at maingat.

“Para kaming yin and yang, na it took me so many years to accept that it’s her personality. We always clashed back during our teenage years because I wanted her to be like me, a little discreet ganyan,” pagbubunyag niya.

Pero, noong lumaon daw, marami siyang na-realize at natutunan kay Alex.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Napagtanto raw niya kung bakit magnetic ang personality nito at sa kabila ng kakulitan nito ay marami ang naaaliw dito.

“What I love about my sister and what she really taught me is that you have to be unapologetically true to yourself,”aniya.

Hirit pa niya, noong nag-start daw siya sa vlogging, hindi siya sigurado kung kakarerin ba niya ito lalo pa’t may trabaho siya noon sa ABS-CBN.

Isa lang daw ang gusto niyang mangyari sa kanyang content: ang magbigay ng makahulugang mensahe ang bawat episode niya.

Ito rin ang dahilan kaya iba ang format ng kanyang vlog kumpara sa ibang entertainment channels sa Youtube.

“I just didn’t want to share what’s going on behind the scenes in my life. Somehow, I wanted to convey a message in my video. So, the first video I uploaded was Why It Pays To Wait. And it was very clear, when I did that video, that the intention was there’s a prize if you wait for the right time,”paliwanag niya.

Marami rin daw ang nabago sa buhay niya nang pumalaot sa vlogging at gawin ang kanyang “Toni Talks.”

“It’s so much fun when you’re doing something that feeds your soul. That’s the best thing. It just feeds my soul everytime I talk to people, I hear their stories parang grabe yung baon. I feel blessed to hear their story, and to earn that right, na pagkatiwalaan nila ang Toni Talks to share their story. Sobrang blessing yun,” bulalas niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.