Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Toni inaabangan ang ayuda sa showbiz

0 452

Ano nga kaya ang maasahang ayuda ng Philippine showbizlandia kay Mrs. Celestine Gonzaga-Soriano, na mas popular bilang Toni Gonzaga?

Bakit tayo aasa sa ayuda mula kay Mrs. Soriano? Aba, sila ni Paul Soriano, ang major brains, beauty and come on para sa public persona branding at imaging ni President Ferdinand Romualdez Marcos Jr. Super prophetic ang mga pangmalakasang kuda ni Toni in all their political rallies na muling babalik si Ginoong Marcos sa Palasyo sa Malacanang noong kampanyahan season.

Halos lahat ng mga major at minor stars sa showbiz ay nasa team kalambihan.Pero, lahat pala sila ay no match sa estrella at convincing powers nitong si Gonzaga dahil siya lang pala ay sapat na sapat na.

Kaya agad-agad kaduda-duda at walang merito pala ang pagiging social media influencers ng mga artistang team kalambihan dahil wala naman pala silang impluwensya at all at si Gonzaga lang ang malakas.

Oo, maaring tumanggi ang mag-asawa sa kahit na anong government posts na iaalok sa kanila pero hindi ba dapat kunin nila talaga ang pagkakataon at oportunidad na ito para naman mas gumaan ang buhay sa showbizlandia?

For all the many senators at kongresistang nagmula sa showbiz na palagiang nililigawan ang mga taga-industriya tuwing kampnayahan season, may naibalik ba talaga sila para sa showbiz na konkreto?

Baka si Toni ang hinihintay para maibaba ang mga buwis na pinapataw sa entertainment sector. Na mabuwag na ang censorship board dahil obsolete na ito. Na isara na rin ang FAP at FDCP at ibigay na lang ang powers, functions at funds ng mga ito sa NCCA para iisa lang ang ahensiya na lalapitan at magpapaigting sa kalidad ng mga pelikulang Filipino. Na si Toni ang makikipag-usap sa mga cinema operators na babaan ang presyo ng mga tiket sa sinehan o kaya kalahati ng halaga nito ay subsidize ng government. Na under her reign ehmah finally eh talagang may malaki na mababawas sa mga namimirata ng mga pelikula at palabas na Pilipino. Na magkakapondo na para isang major, major Oscar film campaign. Na ang mga artista at direktor na nagbigay karangalan sa bansa ay hindi lang congratulatory dinner at plake ang matatanggap. Ngayong andiyan na si Gonzaga, eh magiging suhestiyon niya na bigyan ng artistic at financial grants ang mga ito para makalikha at maipalabas ang kanilang passion projects.

Kaya Mrs. Celestine Gonzaga-Soriano, lahat ng mga mata ay nakatuon sa iyo at naway ang pagiging malapit mo sa Pangulo ay iyong gamitin para magka-golden age muli ang Philippine show business . Ang ating mga pelikula ay talagang kumasa at lumaban sa entertainment universal markets.

Diego daks

May mga pinakakawalang mga bulag na chika kay Diego Loyzaga.Kay dali-daling tumbukin na ang tinutuloy dito ay ang binatang makisig na kay ganda ng mukha at tindig.

Hay naku! Sa true lang, ang ganiyang mga bulag na chikang tukoy na tukoy na si Diego, mas lalo niyo lang ginagawang buhay na alamat ang kanyang pagiging gifted child. At kung mabait pa ito, malambing at maalalahanin sa kanyang sinisinta, sorry na lang ang mga ex gfs niya na umano eh siyang source ng ganiyang mga chika.

Leave A Reply

Your email address will not be published.