Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Toni pakner na Taiwanese pinatugis

0 145

Hinimok ng isang non-profit advocacy group ang Bureau of Immigration (BI) na manguna sa pagsasampa ng kaso laban sa isang vlogger at partner sa negosyo ng aktres na si Toni Gonzaga.

Ayon sa grupong Action for Consumerism and Transparency in Nation-Building (ACTION), dahil iyon sa pagbebenta diumano ng vlogger ng pabango na nadiskubreng hindi awtorisado ng Food and Drug Administration (FDA).

Anila, sumulat na sila kamakailan sa National Bureau of Investigation at FDA upang magpahayag ng pagkaalarma sa talamak na bentahan ng gamot at mga cosmetic product na hindi sertipikado ng ahensya.

“One company which the FDA should go after is TGWW (Toni Gonzaga, Winnie Wong) Everyday Lifestyle Corporation, which is partially owned and operated by a Taiwan passport holder, Winnie Wong, whose real name is Yun-I Wang,” anang secretary-general ng ACTION na si Vito Gaspar Enrico Silo sa January 14 letter kay BI Board of Special Inquiry Head Atty. Ronaldo Ledesma.

Dinagdag din nito na nasa bansa umano si Yun-I gamit ang special investor’s visa, anila “We would like to know: Does this allow her to sell cosmetic products online without bothering to secure FDA certification? Does her visa also allow her to take in jobs or projects here as endorsers for local brands?”

“If the answer is in the negative, we would like to appeal to the Bureau of Immigration to commence appropriate charges against her. We owe it to the public to correct whatever wrongdoings committed by any foreigner living in our country,” giit ni Silo.

Nauna nang binalaan ng FDA ang publiko laban sa paggamit at pagbili ng POUF! Everyday Cologne Spray na ibinebenta online ng kompanya nina Wong at Gonzaga dahil sa kawalan ng lisensya.

Hiningan ng Abante Tonite ng komento ang BI pero wala pa itong tugon. Hindi pa rin naglalabas ng pahayag ang kampo ni Wong at ng aktres habang sinusulat ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.