Abante Tonite Interactive

Toni-Paul naipit kina Kris, Bongbong

By
4,999

Dahil naranasan ni Kris Aquino na ma­walan ng show at network, Kris Aquino could only be thankful sa mga taong nagparamdam sa kanya ng suporta at pagmamahal.

Sa mga artista, special mention sina Kim Chiu at Erich Gonzalez.

“The young ones talaga. I just have to praise them. Na wala akong silbi sa buhay nila, they’ve consistently been there. That’s why, alam n’yong lahat, I will fight and I will really talaga, make sure to do ­everything for Kim Chiu and Erich,” pahayag ni Kris.

Pero among the young ones din, nag-reconnect daw sila ni JM de Guzman dahil dinaanan din nito ang mga dinaanan niya when it comes to career.

Friend daw niya si JM way back and recently, nakita raw niya na nag-like ito sa isang picture niya kaya nag-direct message siya sa aktor.

“Kinamusta ko siya and I said “I’m so proud of you.” Tapos sabi niya, ‘Coming from you, thank you ha, pero kasi, ikaw ang mas nakaka-proud.’ Sabi ko, “kinailangan mong pagdaanan ang rock bottom siguro para malaman mo kung ano ang pinagdadanaan ng mga nag-survive.” So, I have a new respect for survivors,” she said.

At this point ay sinabi niyang she owes Luis Manzano an apology.

“Kasi, nag-team Ange­l (Locsin, Luis’ ex-girlfriend). Pero Luis and I had a really good talk. Because siyempre, hindi n’yo maaalis, babae ako, ‘di ba? And si Angel also is a very special part in my life and I was instrumental sa pagbabalikan nila.

“So Luis made me realiz­e that in every love story, there is his version and her version and both can be happy with other people and in a better place with other people,” paliwanag ni Kris.

Pero ang maganda raw naman, hindi siya pinapili nina Luis at Angel.

“Both of them did not make me choose na kung sino lang ipe-friend ko, so, I’m so grateful to them.”

Nabanggit din niya ang mag-asawang Paul Soriano and Toni Gonzaga na ina­anak niya sa kasal. Ikinuwento niyang ginawan daw siya ng concept ng direktor para sa isang pe­likula at gusto niya raw sanang gawin talaga dahil napakaganda raw.

“Alam daw niyang naiipit ang mag-asawa dahil ninong din ng mga ito si former Sen. Bongbong Marcos.

“Pero marunong sila how to not make you feel that. . .kasi ‘di ba, there’s playing it safe and staying in the middle but there’s also compassion, so bilib ako du’n sa dalawa,” sabi ni Kris.

Inamin din niya na nagkaroon siya ng mga insight dahil sa naranasan niya. May mga tumaya rin sa kanya at hindi siya iniwan nu’ng mawalan siya ng tv show.

Sa ngayon ay may 53 brands daw siyang ine-endorse at nagpapasalamat siya na na­kabangon siya agad because of the digital world at siya raw ang nauna talaga rito.