Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Toni pinain sa insekto si Alex

0 166

Pangalawang pagsasama na ng magkapatid na Alex and Toni Gonzaga ang horror-comedy flick na The Exorsis. Isa ito sa official entries sa 47th Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre.

Pangalawang MMFF film na rin nila ito dahil ang una nilang movie together na Mary, Marry Me ay kasama rin sa festival noong 2018.

This time, malaking challenge nga ang hinarap nila sa The Exorsis dahil ginawa nila ito habang pandemic, naka-lock-in sila with all the safety protocols.

Pero ayon kay Toni, sobrang nag-enjoy rin siya sa shooting. Ito raw ang isa sa pinakamasayang experience niya. Sobrang saya raw nila sa kanilang mga bonding moments habang naka-lock-in.

Kuwento pa ni Toni, hindi nga raw sila nag-away ni Alex habang ginagawa ang film unlike sa first movie nila na away sila nang away.

“Nun’g una naming MMFF, madami kaming away, pero dito talaga, kung kelan kami na-lock-in, talagang sobrang hindi kami nag-aaway,” sabi ni Toni sa ginanap na digital mediacon para sa movie.

“Hindi naman kami nag-aaway ni Alex na sobrang lala. I mean, ‘yung mga maliliit na bagay na nagkakainisan kami, hindi kami masyadong ganu’n dito.

“Happy kami, same kami ng kuwarto. Parang mas nagkaintindihan kami dito sa pelikulang ito,” dagdag niya.

Pero kuwento ni Alex, may time na nainis din siya sa ate niya nang papuwestuhin siya sa maraming insects.

“May isang time na parang ‘yung ini-stay-an namin, may mga insects, sabi ng ate, pumuwesto raw ako ru’n sa may insects. Pero ‘di ko na lang siya pinansin. Sabi ko, ‘o, ayokong mainis.’

“Sabi niya, pahalang daw kami, tapos ‘yung ulo namin, nandito ‘yung mga insects. Sabi niya, ‘Catherine, ganito gawin natin. Ikaw dito, tapos dito ko, pahalang tayo.’ Sabi ko, ‘ha?’ Sabi niya, ‘ganu’n na lang posisyon natin.’ Sabi ko, ‘ah, alam ko na ‘to, gusto niya akong maging frontliner ng mga insects,’” kwento ni Alex.

Natatawang paliwanag naman ni Toni, “kasi may surot sa kama.”

Sey naman ni Alex, “ginawa niya akong pain.”

Samantala, isa rin si Toni sa producers ng The Exorsis at masayang-masaya siya na nakapasok sa MMFF 2021 ang movie.

Co-produced by Viva Films, showing na ang pelikula sa mga sinehan sa Dec. 25. Kasama rin dito si Melai Cantiveros na ayon sa magkapatid ay lucky charm nila dahil kasama rin nila ito sa Mary, Marry Me. Ito ay mula sa panulat at direksyon ni Fifth Solomon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.