Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Toni rumesbak sa mga umalipusta

0 70

Finally ay nagsalita na rin si Toni Gonzaga hinggil sa naging desisyon niya na suportahan ang napipintong next President ng ating bansa na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa kanyang Instagram kahapon ay may “laman” ang statement ni Toni na tila sinasagot ang mga umalipusta at nanlait sa kanya dahil sa pagsuporta niya kay BBM in this year’s election.

Nag-post si Toni ng mga larawan niya habang nasa mga campaign rallies ni BBM at sa caption, she wrote, “in the end…. Stand up for what you believe is right. Even if it means standing up…. Alone.🇵🇭”

SM food to go Banner Ad

Obviously ay patama ito sa mga kanyang mga basher at kulang na nga lang ay sabihin niyang nasa kanya ang huling halakhak.

Matatandaang sa simula pa lang ng kampanya ay inilantad na ni Toni na BBM supporter siya at dahil dito ay katakot-takot na pangba-bash, mura at masasakit na salita ang natanggap niya mula sa mga taong galit kay Bongbong.

Pero hindi nagpatinag si Toni at nagpatuloy lang sa pagsuporta sa kanyang ninong Bongbong. If we remember it right ay never nga rin siya nagsalita tungkol dito at dinedma lang niya ang mga basher. Ngayon lang actually siya nagpahayag ng kanyang nararamdaman sa lahat ng mga nangyari.

Leave A Reply

Your email address will not be published.