Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Toni sabit sa endorsement

0 325

NI: ARCHIE LIAO

Bagamat hindi pa nagbibigay ng kanyang pahayag, lumalabas na sabit umano si Toni Gonzaga sa produktong partner siya at iniendorso.

Naglabas kasi ng babala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa isang produkto ng TV host-actress.

Ayon sa ahensiya, wala umanong valid Certificate of Product Notification (CPN) ang naturang product line as of December 20, 2020.

Pinag-iingat din ng FDA ang publiko sa sa nasabing produkto dahil malamang na may side effects daw umano ito sa balat.

“The use of substandard and possibly adulterated cosmetic products may result to adverse reactions including, but not limited to, skin irritation, itchiness, anaphylactic shock and organ failure,” warning ng FDA.

Sinubukan naming hingan ng statement si Toni sa kanyang Instagram messenger para marinig ang panig niya tungkol sa babalang ito ng FDA.

Nag-text din ang Tonite kay Mommy Pinty (ina at manager ng aktres) para sa ikalilinaw ng isyu.

Aniya.“Lawyer nila si Atty Fortun.Siya ang maglalabas ng statement .Wala akong alam diyan baka mali masabi ko.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.