Abante Tonite Interactive

Tonite Babe Haiza bet ng mga tomboy

By
347

Taong 2013 pa tumambad ang kaseksihan ni Haiza Madrid nang ma-feature siya sa isang men’s magazine.

For six years ay napanatili niya ang kaseksihan at ngayon nga ay kabilang siya sa mga calendar girl ng Tonite Babe. Napatunayan namin ito nang mag-guest siya sa Showbiz Pamore Tonite, hosted by Rommel Placente, Rodel Fernando and yours truly.

Thankful daw si Haiza sa pagkakaroon ng digital show na mapapanood sa IWant TV ng ABS-CBN.

“Mapapanood na nila ang ‘Hush,’ ang streaming niya is from 11pm to 6am kasi super daring and sexy ng content. Maraming kissing scene, bed scene at may mga exposure din.”

Sa unang episode ni Haiza na ‘Right With Me,’ ay kasama niya sina Kiko Matos af Angelo Ilagan kung saan ginampanan niya ang role bilang battered wife. Sa pangalawang episode naman, ang ‘Sex Doll,’ ay makakapareha niya si Alex Medina.

Dahil nag-uumapaw ang sex appeal hindi lamang kalalakihan ang nanunuyo kay Haiza maging ang mga katomboyan. Paano niya ito hina-handle?

“Meron mga lumalapit pero I go for straight guy talaga.

“I have nothing against them. Friendly lang pero ‘pag alam kong may something na, wala na stop na.”

Nang tanungin namin ang lagay ng kanyang puso, mabilis ang pag-amin niya na may crush siyang Korean-American guy. Obviously ang tinutukoy niya ay si Greg Hawkins na talagang kinikilig siya.