Abante Tonite Interactive

TONITE team hakot sa GEMS Hiyas ng Sining Awards

0 422

Best Tabloid, best entertainment editor, at best male and female columnists. Sa kategoryang Larangan ng Panulat, iyan ang aming inuwi.

Ang paliwanag ng mga hurado mula sa GEMS Hiyas ng Sining Awards kung bakit kami ang hinirang na best tabloid na personal na tinanggap ng aming Managing Editor for Entertainment and Digital na si Mam Jeane Lacorte: “May ilang nagtaka kung bakit nagwagi, Peryodikong sabi nga’y pulos pagpapaseksi.. Bakit di muna basahin ang kabuuan, Nang malamang sulit ang binayaran. Balitang politika, current events , at palakasan, Chikang showbiz,human interest, at iba pang larangan. Naitatawid nang sakto at tama sa mambabasa, Na walang sensationalism at kuwentong sobra- sobra.”

“Lagi siyang nagmumuntik-muntikan, Lamang ng katunggali, halos gahibla lang. At long last, nasungkit na ang karangalan, Pagtanggap ng tropeo, wala nang urungan! Mabusising pamamatnugot, kanyang pinaiiral, Hinihimay-himay muna, bago gawing pinal. Pagkakabuo’y halos pulido, kapag nalimbag na , Di masakit sa mata, sa dami ng palsong gramatika,” ang pahayag kung bakit ang aming patnugot Roldan Castro ang hinirang na best entertainment editor.

Kaya si Ms. Cristy Fermin ang best female entertainment columnist, ang rason: “Gusto na niyang siya’y idisqualify, Huwag na raw naming isali ang ating Nanay. Pag di na siya kasama, ano pa ang saysay? Sa kategoriyang siya ang una sa hanay. Sino pa ba kasi ang tulad niya sa pagsulat, Sa gamit ng idyoma’t wikang walang katulad? Kaysarap basahin, makukulay na ideya, Hinulma ng utak, tinipa ng makinilya.”

At siyempre pa kaya muling nag-viktoria ang diva that you love: “Pang-apat na ito ng ating divang Ate, Nagmuntikan na ngang maungusan at di-mapili.

Sadyang may birtud lang na pinanghahawakan, Kaya di pa rin madaig ng sinumang kalaban. Iba kasi ang husay at istilo sa pagsulat, Kahit anong tema, galing niya’y nanggugulat. Nag-lie low na nga muna, nagkasakit na’t lahat, Nanatili pa ring matibay, sadyang ayaw paawat!!!

Salamat po sa tiwala at pagmamahal, mga educator, mentor at mga estyudanteng bumubuo sa GEMS Hiyas ng Sining Awards. At sa lahat ng mga pinalad, mabuhay at mahusay kayong lahat.

Andrea hinabol si Alden

Ilan sa hindi ko makakalimutang kaganapan sa 4th GEMS Hiyas ng Sining Awards Night na ginanap sa Laguna Bel Air Science Highschool ay ang ang pagta-tumbling ni Jhong Hilario. Ginawa niya ito habang nag-acceptance speech . Take note din, panalo ang all fuchsia niyang outfit. Sa true lang, napaka-fashion forward niya at super keri niya na magsuot ng damit na matingkad na kulay .Hindi baklain o binakla ang dating. Mas lalo nga siyang naging macho guapito.

Ang tangkad, tikas, tindig at parang mga nakakaliting balbas ni Kit Thompson na nagpaumanhin pa na King’s language ang kanyang gagamitin sa kanyang talumpati. Naka-wrecked jeans si Kit at sa true lang, gusto-gustong isulot ang aking kamay sa butas niyang itim na maong. Harot much. Hahaha.
Panalo rin ang mag-inang Mondragon, sina Daniela at Marga, mga katauhang binigyang buhay nina Dimples Romana at Andrea Brillantes sa “Kadenang Ginto.”

Sa true lang, kay rikit-rikit nitong si Brillantes sa kanyang gray gown with a short ball skirt. Iba ang ganda niya, parang pang Helen of Troy, she can launch a thousand ships na literal dahil talagang nakakabighani ito. At super pa-girl pa ang manner of speaking.

Bet ko rin ang sinabi ni Dimples na pambihirang pangyayari at pagkakataon na ang Kontrabidang tulad nila ni Andrea, ay pinaparangalan bilang pangunahin at pangalawang mahusay aktres.

Siyempre pa, best in grand entrance si Alden Richards na juice colored, nuknukan sa pagka-guapo sa suot-suot niyang barong Filipino.

Electric ang response ng mga tao sa pagpasok ni Faulkerson Jr. sa venue at parang slow motion pa itong maglakad papunta sa entablado.

Noong nasa stage na siya para tanggapin ang kanyang karangalan, sa aking periphery, kitang-kita ko na ikinalugod ni Andrea ang presensya ni Alden sa gabi ng parangal. Fan girling mode bigla ang magandang binibini. Rinig na rinig ko pang tinatawag niya ang pangalan nito habang nakaupo sa kanyang puwesto at talagang titig na titig ang pretty young miss na obviously ay may paghanga sa phenomenal box office actor at bida sa “The Gift” na siyang nagbigay kay Richard ng kanyang best actor trophy.

At tinodo ni Brillantes ang kanyang fan girling quest, talagang hindi ito pumayag na wala silang photo for posterity na kasama ang Pambansang Bae. Hinabol niya talaga ang aktor.

Bagay silang dalawa, in fair Verona. Given more years si Andrea, pasok na pasok na silang maging magkatambal ni Alden Richards, huh!