Abante Tonite Interactive

Tony Ahn bet si Sandara Park

352

tonite-annyeong-rose-garciaUmamin ang special guest ng isang episode ng “Video Star” na si Tony Ahn na crush niya ang bagong host na si Sandara Park.

Sey naman ni Park na nakatanggap siya dati ng handwritten letter mula rito. At na-touch daw siya sa naging gesture nito.

Saad naman ni Tony, hindi niya talaga nakaugalian na gumawa ng handwritten letter, pero very grateful daw talaga siya na makilala si Sandara.

Nakasaad sa letter na ginawa nito noon na, “Dear Dara, I sincerely wish you a happy birthday and hope that your days ahead will only be full of good and happy things. I’m so happy I got to know Dara!”
Sabi pa ni Tony Ahn, “She’s someone that I cherish and it’s platonic to the point where I can use the expression that I love her.”

Tinanong nang diretso ng isa pang host ng show na si Park Na Rae si Tony kung hinihintay raw ba nito si Sandara.
Sinagot naman ni Tony Ahn ng, “It’s not like I hang out with someone after establishing that someone is only a friend and that we’re definitely not in a romantic relationship.”

Naging game naman ang dalawa na mag-hol­ding hands sa loob ng sampung segundo. At hiniritan pa ng isa pang host na si Kim Sook si Tony na, “I could feel that Tony Ahn was sending her a message with his eyes. ‘Do you know my feelings?’”

Sa lahat ng ito, halata naman na nahihiya si Sandara.

Sabi na lang ni Tony Ahn, “I used to like Dara. At the time, we didn’t even have opportunities to run into each other. Now, we have a really close and comfortable relationship, so I don’t know what to do when we talk about these kinds of things.”

Si Tony Ahn ay dating miyembro ng boy group na H.O.T., 40 years old na ito while Sandara naman is 34.

Ilang taon na ang nakararaan, may interview kay Tony Ahn na sinabi niyang sa edad na 40 niya gustong magkaroon ng asawa.