Abante Tonite Interactive

Tony-Angel padila ang laplapan

2,194

tonite-pak-allan-dionesNag-shower at nag-toothbrush si Tony Labrusca bago kinunan ang maiinit na love scenes nila ni Angel Aquino sa digital film na “Glorious”.

Siniguro raw ni Tony na mabango siya, pero minsan kapag insecure siya ay sinasabi niya raw kay Angel na feeling niya ay medyo mabaho siya.

First time nakipag-love scenes ng 23-anyos na Kapa­milya hunk kaya aminado itong he was really nervous.

But Angel daw is a lovely woman at alam niyang nasa safe hands siya. Ayaw lang ni Tony ng may rehearsal pa, gusto niya ay go na agad sa intimate scenes.

Katwiran niya, sex is unexpected and spontaneous, so ayaw niya ng masyadong rehearsed. Mas may magic daw ‘yung gano’n kesa sa well-rehearsed na sex scene.

Sa tanong kung nadala o tinablan ba siya sa maiinit na eksena, ang sagot ni Tony, “As an actor, I think you really just gotta go for it. Of course, I was doing my part as an actor but the scene is very intense, so I’ll let you guys use your imagination na lang.”

Naging usap-usapan ang payanig na laplapan nina Angel at Tony, na mabilis na nag-viral at nagsulputan kaagad ang iba’t ibang memes.

Ang tindi kasi chemistry ng tandem nila, kaya maging si Tony ay humirit na, “Kabahan na ang mga loveteam!”
TonGel ang tawag sa kanilang tandem.

Mabilis na in-embrace ng madla kahit magkalayo ang mga edad nila (23-anyos si Tony at 45-anyos si Angel).

***

Pinuri ni Angel Aquino si Tony Labrusca

Sobrang ikinatuwa ni Ms. Angel na game si Tony at alam nito kung anong mga kailangan nitong gawin kaya raw na­tural na lumabas ang intimate scenes nila.

Sinabihan niya raw ang binata ng, “Gusto ko sana, legit natin gawin. Will you meet me there? And he did! So, I was pleasantly surprised.”

Katwiran ng mahusay na aktres, sa simula pa lang ay gusto niyang gawin nila ‘yon nang totoo at hindi half-baked.
Um-agree rin siya kay Tony na mas maganda ‘yung hindi rehearsed na love scenes.

Napansin ni Ms. Angel na very scared si Tony nang gawin na nila ang mga intense nilang eksena, pero matapang daw ito at gustong may patunayan bilang aktor. Binigay raw nito lahat.

‘Yung bonggang laplapan nila ni Tony na may kasamang dila, utos daw ‘yon ni Direk Concepcion Macatuno dahil ang gusto nito ay wet kiss na thorough at hindi fake.

‘Yung mga padila na ‘yon, version na raw ni Tony ‘yon. Si direk lang ang nag-guide kung anong dapat gawin sa eksena.

Personal choice pala ni Ms. Angel si Tony para guma­nap na young lover niya sa movie. Nagkaroon ng pa-go-see at may ibang guys silang tiningnan, pero sobra siyang happy na si Tony ang napili at umokey ang sked nito.

Una niyang napanood ang binata sa “La Luna Sanggre” at na-curious siya agad dahil sa sincerity at freshness nito.
Napansin din niya ang pagiging natural nitong umarte, na nang magkatrabaho na sila ay na-outdo pa raw ni Tony ang expectations niya.

Para kay Ms. Angel, Tony is meant to be an actor. Very open daw ito and very accepting sa lahat ng stimulus kaya ang galing nito at lalo pang gagaling. Natuwa siya na pinili nito ang path ng pagiging aktor.