Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tony, Barbie, Heaven naka-survive sa Covid

0 337

NI: ROLDAN CASTRO

Buong ningning na inamin ni Tony Labrusca na hindi niya makakalimutan ang seryeng Bagong Umaga dahil Covid survivor siya.

Binisto niya na hindi lang si Heaven Peralejo ang tinamaan ng Covid kundi pati siya. Hindi na niya binanggit ang ibang kasamahan sa show na nag-positibo sa virus. Napraning daw siya sa kasagsagan na lumalaban siya sa COVID.

Nagulat si Barbie Imperial sa rebelasyon ni Tony kaya inungkat din niya na nagka-COVID siya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sumunod naman sa health protocol ang production pero di talaga maiiwasan na nagkasakit ang ilang cast.

Malaki rin ang pasasalamat nila na ka-survive sila sa virus.

Kasama sa ‘Bagong Umaga’ sina Yves Flores, Kiko Estrada, Michelle Vito, Glydel Mercado, Sunshine Cruz, Cris Villanueva, Nikki Valdez, Bernadette Allyson at Keempee de Leon.

Panoorin ang huling tatlong araw ng “Bagong Umaga” sa A2Z channel sa free TV at digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus, sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, at iWantTFC. Sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel.

Leave A Reply

Your email address will not be published.