Abante Tonite Interactive

Tony hindi nanghinayang kay Kisses

928

Nilinaw ng Kapamilya hunk actor na si Tony Labrusca na hindi masama ang loob niya sa ABS-CBN dahil hindi natuloy ang team-up nila ni Kisses Delavin.

Marami kasi ang nag-aakalang sila ang magiging next love team pagkatapos maipareha ang young actress kay Marco Gallo na sa kalaunan ay nabuwag.

Ipinareha si Kisses kay Donny Pangilinan na ka-partner niya sa teleseryeng ‘Playhouse’.

“Iyong Kisston kasi, hindi siya management-approved. Sobrang suwerte ko lang kasi ginawa siya ng fans o fan-based siya. The fact na ganoon siya ka-popular, kahit fans ang gumawa, sobra akong honored. Sobrang saya namin ni Kisses. In terms of iyong kay Donny (Pangilinan), right now, I’m happy for them,” pahayag niya.

Hirit pa niya, hindi raw naman siya na-disappoint na hindi sila opisyal na nagkatuluyan ni Kisses bilang love team.
“Naniniwala kasi ako na what’s yours will always be for you. Kung hindi para sa akin ang tambalan namin ni Kisses, okey lang kasi I got to experience na nakatrabaho ko siya. I experienced a lot. We got to fly out or the country and that’s okay for me,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, mas enjoy din daw siya na walang ka-love team dahil napatunayan niya na hindi kailangang magkaroon ng love team para mapansin o sumikat.