Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tony, JC basagan ng itlog

0 80

NI: ALWIN IGNACIO

Kilig na kilig ang XavMi fans sa basagan ng itlog nina Tony Labrusca at JC Alcantara. Literal na naglaro sila kung sino ang makakapisa sa isang itlog.

Ang nakakaloka, ang mga batuhan nila ng mga sinasabi sa isa’t-isa. Ang lalandi at haharot ng dalawang binata na para bang ibang itog ang kanilang pinag-uusapan. Grabehan ang hagikgikan, huh.

Tanong ni Alcantara: “Ready na ba itlog mo?”

Tugon ni Labrusca: “Babasagin ko muna itlog mo. Ready ka?”

Ang sagor ni JC: “Sige, ready ako.”

“Basta ako ang mauunang babasag sa itlog.”

Naging mainit ang basagan game at feeling ni JC , madaya ang mga galawan ni Labrusca kaya sinabi nito na: “Ba’t ba natatakot ka hawakan ang itlog ko? Pigain mo kasi.”

Ang reaksiyon ni Labrusca: “Gusto niya talaga wasakin ko ang itlog niya.”

Nakakakilig panoorin yung eksenang muntik na mabasag ni Tony ang itlog ni JC, pero iniwasan niya itong pigain, tawa-tawa ang binata at hinila ni Alcantara ang braso nito.

Sa huli, si Tony ang nakabasag sa itlog ni JC at ang imahinasyon ko talaga, biglang naging ballistic na parang ‘yung gooey egg yolk, parang gustong ipahid ni Labrusca sa mukha ni Alcantara. Ang dumi-dumi kong mag-isip. Ang savage! Hahahahaha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.