Abante Tonite Interactive

Tony mukhang tito ni Jane

830

 

Kung talagang sinusubaybayan niyo ang “Diva Chro-nicles” dito sa Abante TONITE, alam na alam niyo na noong December 19, 2018, ang diva that you love, prinoklama si Jane de Leon bilang isa sa mga bituing tunay na magniningning at magiging bongga ang karera ngayon.

Abante Hiring – IT dep

 

Ang hanash ko noong Disyembre tungkol sa dalaga: “Gumaganap na Maggie, ang youngest sister ni Lino (Jericho Rosales), with doe eyes that can convey all sorts of emotions, at talagang hindi nagpapahuli sa pag-arte, kahit pa nga si Amy Austria o si Rosales ang madalas niyang kaeksena, this young miss is truly a pretty, young head turner.”

 

O ‘di ba, prophetic ang paandar ko. Wagi! Ngayon, si Jane na ang magbibigay-katauhan sa Jerold Tarog’s “Darna.” Dahil nga ang lahat ay pleasantly surprised sa kanyang pagkakahirang bilang Narda/Darna, may isang malaking-malaking industry balita ang agad-agad, gone with the wind at gone in 60 seconds. More on that matter later.

 

Ilang trivia sa walang dudang push sa stratosphere ang karera, ang buo niyang pangalan ay Jane Florence Benitez de Leon.

 

Si De Leon ay taal na taga-Laguna at mahilig sa mga pusa. Sabi niya sa kanyang vlog, noong nene pa siya, mas gusto niya ang mga laro at laruang panlalaki.

 

Siya pala ay napasama sa mga pelikulang parang sila-sila ang may alam at nanood, ang “Walwal” at ang “The Debutantes”. Sa mga TV show, umapir na rin siya sa “Ipaglaban Mo”, “La Luna Sangre” at siyempre, ang katauhan kung saan siya tumatak, bilang Maggie Bartolome sa “Halik”.

 

May audition na para sa magiging batang Narda. Ang mga pangmalakasang katanungan, sino kaya ang magiging Efren niya? Sa Darna kuwento, si Efren ang pinakamalapit na lalaki sa puso ni Narda.

 

Kung kay Tony Labrusca pa rin kasi ang katauhan, parang Labrusca looks too mature para kay Jane. Mukha siyang tito. Dapat siguro ahitin niya ang kanyang balbas at patubuin ang buhok sa ulo para mas mukhang fresh.

Para sa diva that you love, ang perfect Efren ni De Leon ay si JC Alcantara.

Magkapareha na sila sa “Halik” at may chemistry na ang dalawa?

 

Noong si Liza Soberano pa si Darna, napabalita na si Iza Calzado raw ang magiging Valentina? Siya pa rin kaya ang magbibigay dito?

 

Sa mga puwedeng maging Ding at puwede mong paniwalaan na kapatid ni De Leon, pasok sa banga si Marco Masa. Kung ibibigay ang katauhan kay KenKen Nuyad, makakaasa rin tayong mahusay niya itong magagampanan.

 


Sa mga kalaban ni Darna, sino-sino kaya ang isasama ni direk Jerold? Ang Babaeng Impakta, ang isa sa mga Planet Women, ang isa sa mga Higante o ang Babaeng Tuod?

 

Kung gagawing lalaking tuod, alam na alam na kung sino ang bagay, kung hindi si Aljur Albrenica, ang kasama rin ni Jane dati sa “Halik,” pasok na pasok si Gab Lagman. Ang savage! Charot! Hahahaha.


Congratulations muli kay Jane de Leon! Bilang millennial Darna, superstardom is just a few steps away from you. Mabuhay!

 

FDCP inireklamo sa korte ng CEAP

 

Ang isyung biglang nawala sa ulirat ng lahat dahil nga sa magandang balita na hatid ni Darna, ay ang pag-file ng Cine-ma Exhibitors Association of The Philippines, Inc. (CEAP) ng reklamo sa korte laban sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) dahil sa inilabas na Me-morandum Circular No. 2019-01 ng FDCP, na may titulong POLICIES AND GUIDELINES ON THE THEATRICAL RELEASE OF FILMS ON PHILIPPINE CINEMAS.


Para sa mga CEAP members, ang nasabing circular mula sa FDCP ay “invalid” at “unconstitutional”. Para sa mga taga-CEAP, wala sa mandato ng ahensyang pinamumunuan ni Liza Diño ang nasabing memorandum dahil ang be all and end all daw nito ay may kinalaman lamang sa “artistic” at “technical merits” ng pelikula.


Ayon pa rin sa sinum-paang salaysay ng CEAP group, walang kahit na anong napagkasunduan sa mga meeting na pinamunuan ng FDCP lalong na ang tungkol sa usapin na “guaranteed three-day screening period para sa bawat pelikula at seven-day minimum run-length ng Filipino films sa lahat ng mga sinehan at lalong-lalo na ang movie ticket price—PHP200 sa Metro Manila at PHP150 sa mga probinsiya—para sa mga estudyante kada Miyerkules na nakapaloob din sa Memorandum Circular.”

 

Bukas ang pitak ng diva that you love para sa opisyal na pahayag ng FDCP tungkol sa kaganapang ito.

 

On a related item, si Diño, nagtatarang na naman at nagpupu-yos ang damdamin sa isyung binabato sa kanya, na siya raw ay “credit grabber”. Kung bakit siya binansagang ganito, pakisaliksik my beautiful ones. Hindi mainam na spoon fed kayo all the time, hindi ba naman?