Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tony naelya kay Ara

0 48

NI: ARCHIE LIAO

Pagkatapos maabswelto ni Tony Labrusca sa demandang acts of lasciviousness, ngayon daw ay nakakahinga na siya nang maluwag.

Aminado kasi siyang nagkaroon siya ng anxiety dahil sa isinampang kaso sa kanya.

May mga pagkakataon pa nga raw na ang baba ng self-esteem niya sa sarili at nagtatanong kung bakit kailangang mangyari iyon sa kanya.

Pumasok din daw sa isip niyang mag-quit sa showbiz pero nanalig pa rin daw siya na makakamtan niya ang katarungan.

Malaking bagay din daw ang ibinigay na suporta sa kanya ng mga magulang para malampasan niya ang ganoong krisis sa kanyang buhay.

Aminado rin siya na nagkaroon siya ng konting trauma dahil sa nangyari.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ngayon, itinutuon daw niya ang pansin sa mga positibong bagay tulad na lamang ng mga oportunidad at biyayang natatanggap niya sa trabaho.

Speaking of sexy roles, ready na raw siyang magpaka-wild kung may magandang materyal.

Kung sa Glorious daw ay naging usap-usapan ang “dila-to-dila” scene nila ni Angel Aquino, mapangahas din daw ang “wet” at nagbabagang mga eksena nila ng beauty queen-actress na si Ariella Arida sa

‘Breathe Again.’

Aminado rin siyang naelya siya hindi lang sa ganda kundi sa ugali at talino ng kanyang leading lady.

Ang naturang pelikula ay streaming na sa Vivamax simula sa Hunyo 3.

Leave A Reply

Your email address will not be published.