Abante Tonite Interactive

Toothpaste puwede rin sa sapatos

By
814

Ngayong napapadalas ang pag-ulan, ‘di natin maiwasang madumihan partikular na ang ating mga kasuotan.

Unang-una na rito ang ating mga sapatos na siyang unang napapasabak sa baha o kung hindi man ay napuputikan.

Isa sa mabisang pantanggal-dumi o mantsa sa mga sapatos lalo na sa puting sneakers ay toothpaste o ­pasimada (tagalog ng toothpaste).

Tama po, bukod sa baking soda ay epektibo ring panlinis ng sapatos ang ‘pasimada’.

Gaya ng ngipin ay kuskusin din ang nadumihang sapatos gamit ang brush na may toothpaste.

Ibabad muna ito nang ilang minuto at saka banlawan.

Pagkatuyo ay mapapansin na ang linis at kaputian.