Abante Tonite Interactive

Tootsie Guevarra nabigo sa unang kasal

889

Ni Aster A. Amoyo

Siguradong pamilyar kayo sa mga OPM hit songs na “Kaba,” “Pasulyap-Sulyap,” “Nang Dahil sa Pag-big,” “Mr. Kupido,” “Dahil Mahal na Mahal Kita,” “Bakit Di Totohanin” at “Sabi Na Nga Ba.”

Ito ang mga awiting pinasikat noong dekada nobenta up to early 2000 ng young singer na si Tootsie Guevarra. Emma Theresa Pinga sa tunay na buhay.

Nasaan na nga ba si Tootsie ngayon at ano ang kanyang pinagkakaabalahan?

Luckily for us, nagkita kami nu’ng isang taon ni Tootsie sa isang welcome party hosted for us by the late businessman and concert-producer na si Alfonso ‘Tito Al’ Chu. Ginanap sa kanyang tahanan sa Anaheim, California, USA. Ito’y dinaluhan din ng iba pang US-based Filipino celebrities tulad nina Anjanette Abayari, Louie Reyes, ang mag-asawang Lew Soratorio at Amalia Braza, actor na si Edgar Mande, ang dating actress at ina ni Richard Gomez na si Stella Suarez, ang Filipino-American immigration lawyer na si Atty. Jemela Nettles, at iba pa. It was our first time na magkita in years magmula nang mag-migrate sa Amerika ang kanyang pamilya.

Nu’ng nasa Pilipinas pa si Tootsie ay naging sunod-sunod ang paghatid niya ng mga hit songs hango sa kanyang anim na albums. Nakagawa rin siya noon ng ilang pelikula at kasama na rito ang “Psycho Sex Killer”, “Radio Romance” and “Rubberman”.

Naging bahagi rin siya noon ng youth-oriented program na “That’s Entertainment” ng yumaong German ‘Kuya Germs’ Moreno.

Si Tootsie ay naging recording artist noong 1990 to 1991 sa ilalim ng Sunshine Records. Pagkatapos nito ay lumipat na siya ng Star Records (now Star Music) ng ABS-CBN mula 1992 hanggang 2004.

Nakapagtapos si Tootsie ng Hotel & Restaurant Management in 2003. The following year ay nag-migrate na sa Amerika ang kanyang pamilya. Doon niya pinakasalan ang kanyang US-based boyfriend na si Jansen Cunanan. Sinundan ng kanilang Manila church wedding in 2005. Nu’ng 2006 ay isinilang ang kanilang unang supling na si Ethan, now 13 years old.

Taong 2009 nang mahiwalay si Tootsie sa kanyang unang mister na si Jansen. Sila’y nag-divorce nu’ng 2010.

Nakatagpo ng pangalawang asawa

Taong 2012 naman nang muling magpakasal sa Amerika si Tootsie. Ito’y isang Italian-American na si Mike Monaco. Meron na rin silang isang anak na si Matthew, now 6 years old.

Nagkakilala sila sa pamamagitan ng half-brother (father side) ni Tootsie na nagkataong kaklase noon ni Mike sa school. Ang first meeting nina Tootsie at Mike ay nasundan hanggang sa sila’y maging magkasintahan at mauwi sa kasalan.

“Sobrang napakabait at napaka-cool ni Mike. He is a loving husband and father maging sa panganay kong si Ethan,” pagmamalaki ni Tootsie.

“Actually, si Mike na ang kinalakihang father (figure) ni Ethan at very close silang dalawa. He treats Ethan as his own son,” ani Tootsie.

While in the US ay nag-aral si Tootsie sa pagiging isang realtor at siya’y nakakuha ng license. For sometime ay prinaktis niya ito hanggang sa siya’y lumipat sa healthcare industry. Nagtrabaho siya bilang regional director for business development sa isang kompanya in Los Angeles, California.

‘Di tuluyang iniwan ang pagkanta

When there is an opportunity ay kumakanta pa rin si Tootsie sa mga invitational performances. Kasama na rito ang kanyang guesting sa “ASAP” nang mag-show ang programa sa Los Angeles, California in 2014 kung saan niya kinanta ang ilan sa kanyang mga hit songs kasama ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga.

Uuwi sa ‘Pinas kung may offer na mag-record

Maganda at maginhawa ang buhay ngayon ni Tootsie sa Amerika. Bukod sa maganda ang kanyang kita sa kanyang trabaho, ang kanyang mister na si Mike ay may sariling IT consulting company.

On weekends ay lumalabas sila sa ibang lugar. Dala nila ang kanilang camper, isang malaking van at nagpi-picnic sila ng kanyang pamilya bilang bahagi ng kanilang bonding moment na ini-enjoy naman ng mga bata.

“Gaano man kami ka-busy sa aming respective jobs ni Mike, we make it a point na hands-on kaming mag-asawa pagdating sa mga bata,” pahayag ni Tootsie.

Ayon sa singer who is now 37 years old, hindi kailanman mawawala ang kanyang pagmamahal sa music. Dito raw siya nagsimula at nakilala.

“If there’s an offer for me to record again sa Pilipinas, uuwi ako,” aniya.

Sobra umano niyang nami-miss ang pagkanta, pag-arte at ang kanyang buhay sa Pilipinas.

“Nagbabakasyon pa rin naman kami ng Pilipinas every once in a while,” lahad pa niya.