Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Top 1, 2 most wanted dakma sa Cavite

0 223

NAKORNER ng Cavite police ang tinaguiang Top 1 at 2 most wnted na indibidwal sa isinagawang buy bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Cavite.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), alas-6:00 kamakalawa ng hapon nang maaresto si Amelia Tengco, 47, isang balo at negosyante ng Brgy, Carsadang Bago 2 Imus Cavite, na tinaguriang Top 1 City Level ng pinagsanib na puwersa ng Batangas City Police Station at Imus CPS sa Brgy. Carsadang Bago 2 ng naturang Lungsod dahil sa kasong 4 counts na Estafa.

Arestado rin si Angelo Enmacino, 36, ng Brgy Kaybagal, Central, Tagaytay City na tinaguriang Top No. 2 City Level sa operasyon dakong alas-2:25 kamakalawa ng hapon sa Brgy kaybagal, Central, Tagaytay City dahil naman sa kasong Qualified Theft. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.