Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Top 1 pa rin! Triple A sa Bulacan 5th district ‘di matibag sa survey

0 51

Napanatili ni Bulacan 5th district congressional candidate Atty Arnel Alcaraz ang kanyang pangunguna sa pinakahuling survey na isinagawa sa lalawigan.

Sa April 30-May 5 survey ng Bureau of Research and Youth Analysis Group, lumitaw sa 2,400 respondents na si Alcaraz at pinapaborang iboto ng 68% registered voters laban sa katunggali nitong si Ambrosio Cruz na nakakuha lamang ng 18% at 14% undecided.

Si Atty Alcaraz na kinilala ng maraming sektor bilang bayani ng pandemya sa Bulacan ay consistent number 1 sa lahat ng pre-election surveys.

Pinasalamatan din ni Triple A ang mga mamamayan ng Pandi, Bocaue, Guiguinto at Balagtas dahil sa patuloy na paglawak ng suporta sa kanya habang papalapit ang eleksiyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kabilang sa plata porna ni Alcaraz kapag nahalal na kongresista ay ang paglilkha ng batas na magpapalawak sa employment program ng lalawigan sa tulong ng bubuksang Bulacan International Airport.

Kasama rin sa mga isinusulong ni Alcaraz ang paghikayat sa mga unibersidad sa lalawigan na

magbukas ng kurso ukol sa airport management, hospitality and tourism courses, cargo handling and airport security management.

Leave A Reply

Your email address will not be published.