Abante Tonite Interactive

Top 10 na pagkaing magliligtas sa iyong buhay

759

1. Mansanas – Ang mansanas ay nagtataglay ng napakaraming antioxi­dants. Mataas din siya sa fiber at vitamin C. Kapag nakaramdam ka ng gutom ay perpekto ang mansanas para matugunan ang pangangailangan ng iyong tiyan. Totoo ngang one apple a day keep the doctors away.

2. Abokado. Ang Abokado naman ay mayaman sa potassium, fiber at bitamina C. Kakaiba sa karamihan ng mga prutas, ang abokado ay punumpuno ng healthy fats kaysa carbs. Kaya naman hindi maikakaila ang nakakamanghang tulong nito sa ating kalusugan.

3. Saging. Ang saging naman ang itinuturing na pinakamainam na mapagkukunan ng potassium. Bukod dito, nagtataglay din ang saging ng mataas na Bitamina B6 at fiber. Sa sarap ng lasa at sustansya, hindi na na nakapagtataka kung magawa nitong palusugin ang ating pangangatawan at pakinisin ang ating balat. Mainam din ang saging para sa pagpapaganda ng buhok.

4. Strawberries. Ang strawberries ay nagtataglay ng Bitamina C, fiber at manganese. Bukod dito ang strawberries ay may mababa lamang na carbs at calories kaya puwedeng-upwede sa iyong diet plan.

5. Blueberries. Ang itinuturing naman na pinaka the best na mapagkukunan ng antioxidants ay ang blueberries. Pinoprotektahan din tayo ng blueberries laban sa kanser at pagtanda gayundin sa pagkasira ng DNA.

6. Oranges. Bukod sa napakasarap na lasa, ang oranges ay kilala sa taglay nitong bitamina C at meron din itong minerals. Mataas din ang fiber nito at antioxidants. Ayon sa pag-aaral, nakakatulong ang orange sa kababaihan sa pagpapababa ng panganib sa ische­mic stroke.

7. Itlog. Isa sa pinakamasustansyang pagkain ay ang itlog.
Kahit sinasabing mataas ang cholesterol nito ay napatunayan naman sa bagong pag-aaral na ito ay safe and healthy. Ito ay nagtataglay ng fat soluble vitamins A, D, E, K.

8. Lamb. Ang karne naman ng tupa ay nagbibi­gay din ng sustansya na kailangan ng ating katawan tulad ng omega-3 fatty acids.

9. Lean beef. Kung ikaw ay nasa low carb diet, bagay na bagay sa’yo ang lean beef. Dahil ito ay nagtataglay ng mataas na bioavailable iron.

10. Chicken breasts. Ang chicken breast ay mababa sa fat and calories subalit ito ay mayaman sa protina. Maraming nutrients ang maaari nating makuha dito. (Geraldine Monzon)