Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Top 10 patok na mga YouTuber

0 260

NI: ARCHIE LIAO

Taong 1989 nang isilang ang tabloid na Abante Tonite kung saan ang opisina pa nito ay sa Quezon Avenue.

Noong panahong iyon, hindi pa uso ang online at pagdating sa paghatid ng showbiz news, nangunguna ang aming afternoon tabloid.

Fast forward, after 32 years, maraming pagbabago ang naganap pagdating sa news reporting.

Nagkaroon ng podcast shows ang Tonite at lumawak hindi lang ang readership nito kundi ang following ng online shows nito.

Sa kabila ng kumpetisyon sa iba’t-ibang online formats, patuloy ang pamamayagpag ng isa sa pinagkakatiwalaang tabloid sa bansa.

Sa pagdating ng digital age, tulad ng Tonite, umagapay din sa mga pagbabago ang showbiz.

Nauso ang Netflix, ang mga online shows at maging ang ating mga local celebrities ay nagkaroon ng Youtube channels.

Dahil sa kanilang vlogs, naging abot-kamay na rin ang mga celebrities ng masa.

Katunayan, sa panahon ng lockdown, namukadkad ang karera ng iba’t-ibang celebrities. Masaya kasi at naging mabisang pang-aliw at pampalipas-oras ang panonood ng kanilang vlogs at Youtube channels.

Naging source din ng libreng entertainment ang YT channels at vlogs ng mga celebrities nu’ng mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN 2.

Sa taong ito, humataw nang husto sina Ivana Alawi, Raffy Tulfo at Alex Gonzaga na ilan sa top moneymakers sa Youtube.

Ito ang listahan ng top 10 Youtube personalities sa bansa..

1.Ivana Alawi -Pagkatapos magpaseksi , humataw ang kanyang vlogs. Pinag-usapan ang kanyang collaboration kay DJ Loonyo kung saan nabuo ang kanilang tandem na Loovana, pero ngayon, tila buwag na ito dahil in-unfollow na ng sexy star ang pamosong dancer. Pantasya ng mga barako at kalalakihan, si Ivana. Sa kasalukuyan, may more than 10.4 million subscribers na ang kanyang Youtube channel.

2. Raffy Tulfo- Ayon sa kibitzers, kung pagbabatayan ang kanyang views at subscribers sa social media, bilyonaryo na umano ang beteranong broadcaster at Idol in Action host na si Raffy Tulfo. Gayunpaman, sa isang pahayag, idinenay niya ito. Bentahe ng kanyang Youtube channel na may 18.5 million subscribers ang pagtatampok ng mga kontrobersyal na personalidad.

3.Ranz Kyle at Niana Guerrero. Si Ranz Kyle ay naging miyembro ng male dance group na Chicser. Patok ang kanyang mga video at sa kasalukuyan ay meron na 13.5 million followers.

Ang kanyang kapatid na si Niana Guerrero na isang magaling na dancer ay isa ring Youtube sensation na may 12.7 million followers.

4. JaMill- Ang tambalaang Jayzam Manabat at Camille Trinidad o JaMill ay isa sa itinuruting na top Pinoy couple sa Youtube. Patok ang kanilang collaboration. Mahilig sila sa pranks at challenges. Nasa ilalim sila ng PPL management ni Perry Lansingan. Sila ay may 11.9 million followers.

5. Alex Gonzaga- Isa si Alex sa mga top moneymakers sa YouTube. Marami ang naaliw sa kanyang vlog at tinutukan din ang romansa sa kanyang mister at ngayoý mister na si Mikee Morada. Si Alex ay merong 9.65 million subscribers sa kanyang YT channel.

6. Cong TV Hataw ang Youtube channel ng Pinoy vlogger at comedian na si Lincoln Velasquez o Cong TV, Successful din ang collaboration niya sa influencer na si Viy Cortez. May humigit-kumulang na 7.63 million subscribers ang kanyang amazing videos.

7. Donnalyn Bartolome Ang pagiging natural ni Donnalyn Bartolome ang katangiang nagpamahal sa kanya sa kanyang followers.Naging usap-usapan kung paano niya iniyakan nang i-break siya ng kanyang boyfriend. May 6.25 million subscribers na ang kanyang channel.

8. Kathryn Bernardo Noong magdesisyon si Kathryn Bernardo na pasukin ang vlogging, naging hit agad ito sa loob lamang ng dalawang linggo. May 2.6 million subscribers, nakapagtala naman agad ng 3.5 miilion views ang una niyang vlog na na-upload noong Enero.

9. Jak Roberto Tinaguriang Pambansang Abs, nagkaroon ng bagong career si Jak Roberto nang pasukin niya ang vlogging. Patok ang collaboration niya sa kanyang girlfriend na si Barbie Forteza. Dahil kumikita na raw umano ng milyones, ito raw ang dahilan kaya tinanggihan niya umano ang offer sa kanya ng GMA-7 sa isang proyekto. Meron na siyang 2.55 million subscribers.

10.) Donekla Tandem Mataas ang aliw factor ng funny videos ng magkaibigang Donita Nose at Super Tekla. Sumipa pa ito nang masangkot sa kontrobersya si Super Tekla sa alegasyon ng sexual abuse ng partner na si Michelle. Ang kanilang collaboration ni Donita ay may humigit kumulang na 2.49 million subscribers.

Leave A Reply

Your email address will not be published.