Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Top 10 Pinay na nagpaliyab sa mga barako

0 293

NI: Nonie V. Nicasio

Hindi napigilan nang mapaminsalang pandemic ang maraming sexy Pinay para painitin ang mundo ng maraming barako!

Kabilang sa mga nagpaliyab sa maraming kalalakihan at napasali sa Top 10 list ay batay sa research, survey, sa mga nag-viral sa social media sa kanilang nakaka-titillate na larawan. I-consider din ang mga mabenta sa TV, pelikula, ads, at iba pang factor na kaakibat ng isang tunay na Pinay hottie.

1.Pia Wurtzbach –Isa siya sa Pinay na biniyayaan ng malakas na sex appeal. Pampagising sa mga natutulog na ugat ng mga kalalakihan ang tipo niya. Mula nang tanghalin siyang Miss Universe 2015, hanggang sa muling bumalik sa showbiz, ang dalaga ay kabilang sa mga pinanggigigilan ang alindog ng maraming boys. Isa si Pia sa Pinay hottie na inaabangan ng mga kalalakihan dahil madalas na super sexy at nakapaglalaway ang kanyang mga IG post. Walang hot blooded male ang magsasawa sa taglay na kariktan ng beauty queen turned actress. Kompletos rekados ang porma ni Pia, kaya ang kanyang kakaibang alindog ay pinagnanasahan ng maraming barako.

2. Catriona Gray- Tunay siyang Philippine pride na sumungkit sa Miss Universe crown noong 2018. Malupet talaga ang karisma ni Catriona. Grabeng pampainit ang hatid niya sa mga barako sa kanyang Instagram post. Ang tipo ni Catriona ay pang-finale o pang-climax sa anumang event, dahil sa umaapaw niyang alindog. Sadyang nakakagigil ang legs at boobs ng Filipino-Australian, model, singer, at aktres. Idagdag pa ang kanyang beauty at kaseksihan, tunay na isang babaeng kartada diyes ang iyong masisilayan. Walang tunay na barako ang magsasawa sa kanyang taglay na kariktan. Madalas magpiyesta ang mata ng maraming boys sa katakam-takam niyang alindog sa social media. Langit ang katumbas sa maraming kalalakihan ang masilayan pa lang ang hotness ng dalaga. Kaya hindi kataka-taka kung maging laman ng pantasya ng maraming boys si Catriona.

3.Ivana Alawi – Kakaiba ang lakas ng kanyang dating sa members ng opposite sex, kaya naman marami ang madalas na nakatutok sa kanyang mga aktibidades sa social media. Maituturing si Ivana bilang isang social media star dahil sa 6.6 million niyang followers sa Instagram, 3.7 million sa Twitter, at ang matindi pa, sa loob lang ng isang taon ay umabot sa 10 million ang kanyang YouTube subscribers. Ang tipo ng kariktan ni Ivana ay pampainit sa dugo ng mga kalalakihan. Lalo na kung mabibistahan nila ang bilog na bilog at matambok niyang butt, plus ang hugis Coca Cola niyang katawan. Kapag pinagsama ang kanyang maamong mukha, maka-tulo laway na legs, at flawless na complexion, bibilis ang tibok ng puso ng mga kalalakihan sa kanyang mala-Diyosang alindog.

4. Nadine Lustre – Ang aktres ay isa sa mga Pinay na kayang-kayang magpa-init at magpaluwa ng mata ng maraming kalalakihan sa kanyang mga sexy Instragam post. Umaapaw sa kaseksihan ang morenang aktres, kaya naman kilala si Nadine bilang palaban sa pagpapasilip ng kanyang mga asset tulad ng matambok niyang puwet at katakam-takam na cleavage. Naging viral ang maraming photo ni Nadine na lumabas sa Instagram dahil sobrang daring at provocative ang mga ito. Kaya naman maraming hot blooded male ang nagwawater-water sa alindog ni Nadine at tiyak na umaasam na makasalo ang dalaga kahit man lang sa kanilang wild na sexual fantasy.

5.Jennylyn Mercado – Ang Kapuso actress ay nananatiling isang certified Hot Momma dahil kahit may-anak na ay marami pa rin ang naglalaway sa kanyang mapanuksong kurbada. Bukod sa kanyang beauty, panlaban ang kaseksihan ng GF ni Dennis Trillo. Kaya niyang makipagsabayan sa mga nakababatang aktres, kung hotness lang ang pag-uusapan. Karapat-dapat siyang maipuwesto sa listahang ito dahil kahit mommy na ay napangalagaan ni Jen ang kanyang whistle bait figure. Si Jen ang itinanghal na Ultimate Female Survivor ng GMA-7 reality show na ‘Starstruck’ noong 2003 at tumanggap ng isang milyong piso at ng exclusive contracts dito. Noong 2015, unang nagpakita ng kanyang kakaibang sex appeal si Jen nang tanghaling number one bilang FHM Philippines’ 100 Sexiest Women. Bukod sa pagiging aktres, siya ay isang triathlete, na sumasabak din sa jujitsu at Muay Thai.

6. Sanya Lopez –Tinatayang isa si Sanya sa mga aktres na hahataw nang husto ang showbiz career sa mga proyektong naka-line up sa kanya sa GMA-7. Una na rito ang ‘Agimat ng Agila’ na tinatampukan ni Bong Revilla, Si Sanya rin ang bibida sa TV series na ‘First Yaya’ .Ang 24 year old na Bulakenya ay may maipagmamalaking beauty at kaseksihan na tiyak na kababaliwan ng maraming boys.

7.Arci Muñoz – Kabilang siya sa mga aktres na madalas magbigay ng grasya at pampabuwenas sa maraming kalalakihan via her IG account. Maraming nakakagigil na pasilip ng kaseksihan si Arci sa kanyang Instagram post. Madalas na umaapaw sa sex appeal ang makikita rito kay Arci. Patok at nakapaglalaway sa maraming boys ang flawless niyang complexion, yummy legs, at malulusog niyang boobey. Kakaiba ang taglay na hotness ng dalaga. Walang lalaking hindi mauuhaw sa kanyang masabaw na kariktan. Ang gaya niya ang type puntiryahing masilip ng mga kalalakihan.

8. Maja Salvador – Isa siya sa mga versatile na showbiz personality sa industriya. Winner ang balingkinitang katawan at wow na wow na legs ng aktres. Ang tipo niyang babae ay masarap lingkisin at hindi pagsasawaang papakin ng mga barako. Seductive ang bawat anggulong masisipat sa kanya. Sa taglay niyang katakam-takam na kariktan, havey na havey talaga ang kanyang porma sa maraming boys. Tiyak na madalas maghatid ng ngiti sa labi ng mga tigasing kalahi ni Adan ang mga IG post ni Maja.

9. Lovi Poe – Bukod sa pagiging isang mahusay na aktres, kabilang si Lovi sa inaabangang celebrity ng maraming members ng opposite sex sa kanyang Instagram post, lalo na sa mga patikim niya ng kanyang kariktan. Kilala ang husay niya sa mga mapaghamong papel, kasama na ang mga sexy at daring roles na natotoka sa kanya. Sa kanyang misteryosa look, maraming boys ang naku-curous sa kanya. Luluwa ang mata ng mga kalalakihang makakakita sa kanyang winner na kurbada. Ang mga babaeng tulad ni Lovi ay susi sa inaasam na kaligayahan ng maraming barako.

10. Jessy Mendiola – Ang soon to be Mrs. Luis Manzano ay kabilang sa mga aktres na madalas magpatikim ng mga katakam-takam na IG posts. Noong 2016, si Jessy ay itinanghal na Numero Unong Sexiest Woman in the Philippines ng FHM Philippines. Flawless ang beauty ng Kapamiya aktres. Idagdag pa ang kanyang kaseksihan, at ang kalalabasan ay isang hot na hot na dalaga. Nakadagdag sa matinding sex appeal ni Jessy ang malulusog niyang boobs. Masasabing plus points sa alindog ni Jessy ang kanyang malaking hinaharap. Ito kasi ang madalas na mapansin at paborito ng mga hot blooded male.

Worth mentioning din na promising sa listahang ito sina AJ Raval at Sunshine Guimary. Sila ang mga bagong pagpapantasyahan ngayong 2021.

Leave A Reply

Your email address will not be published.