Abante Tonite Interactive

Top 12 sa ‘Produce 48’ malalaman na

222
Ngayong gabi na, August 31 ang ika-12th at finale episode ng Mnet Produced Reality Survivor show na ‘Produce 48.’
Mula sa 96 contestants, na-trim down na at na-eliminate na ang 76 girls. Twenty girls na lang mula sa Japan at South Korea ang mapapanood ng live ngayong gabi.
From twenty, pipili ng 12 girls na magde-debut sa South Korea. Nasubaybayan namin ang Produce 48 at nakita namin ang journey ng mga trainee.
Ilan sa mga ito, second­ episode pa lamang ay hindi na nakatagal sa training at voluntary na nag-exit. While others,­ gaano man kahirap ang pinagdaanan nila sa training ay talagang pursigido na ma-achieve ang pangarap na makapag-debut sa South Korea as the first Japanese/Korea Girl Group.
Ngayong gabi, mapapanood muli ang I.O.I. at ang Wanna One na produkto ng Produce para magbigay ng suporta sa Produce 48.
Ayon sa report ng soompi.com, “A source from the program confirmed, I.O.I and Wanna One will join the live finale of ‘Produce 48. However, only some members of I.O.I will be present. Wanna One will appear as a full group.
“I.O.I and Wanna One previously showed their support with promotional videos and guest appea­rances of certain members.”
Si Miyawaki Sakura ang nag-top 1 out of 20 sa nakaraang episode. Pero maraming sorpresa tuwing elimination night ng show dahil yung nasa top, madalas ay bumababa ang ranking at yung nasa baba naman, surprisingly ay pumapasok sa top three, depende sa makukuha nilang boto from the National Producers.
Mas maagang mapapanood ang live finale broadcast ngayong gabi. Kumpara sa 11pm KST, mapapanood na ito ng 8pm KST sa Mnet in South Korea at Mnet in Japan. The series is also broadcasted on tvN Asia in Hong Kong, Singapore, Macau, Malaysia, Indonesia, Taiwan, Thailand, Sri Lanka, the Philippines, Cambodia and Myanmar where it premiered on June 21, 2018.
Dahil nasubaybayan namin mula sa first episode ang show, it’s just right na bigyan ng acknowledgment ang mga tumayong trainor/mentor ng mga girl na sina Lee Hong Ki, Soyou, Cheetah, Bae Yoon Jeong, Choi Young-joon at May Lee.
At siyempre, ang National Producer Representative na si Lee Seung Gi. Na pawang nagbahagi hindi lang ng oras nila, kundi ng kanilang mga expertise at karanasan sa mga trainee.
Siguradong hindi makakalimutan, lalo na ng Produce 48 girls ang mga ito.
Kaabang-abang na nga kung sino ang top 12 members ng bagong girl group na magde-debut sa Korea.