Abante Tonite Interactive

Top 2 aasintahin ng Racal

By
10

Mga laro ngayon (Ynares Sports Arena, Pasig)
4:00 p.m. –- Tanduay vs. Topstar ZC Mindanao
6:00 p.m. –- Blustar Detergent vs. Racal

May mahalagang misyon ang Racal Tile Masters, ang sumampa sa top two spots ng 2016 PBA D-League Foundation Cup para maniguro ng twice-to-beat incentive sa semifinals.

“We know we have to be in the top two to get an advantage and the ­players know our ­situation,” wika ni Racal coach Caloy Garcia.

Abante Hiring – IT dep

Nasa tersero puwesto ang Tile Masters sa 6-2 karta, makakalaban nila ang Blustar Detergent sa main game mamaya sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Ayon kay Garcia mahalaga ang laban nila sa Blustar dahil mas magi­ging ganado ang Tile Masters kung masusungkit ang insentibo para ­dumikit sa pangarap na titulo.

Kinalos ng Tile Masters ang Dragons 122-60 sa kanilang first-round meeting noong June 21.
Sa unang laro, magtatapat ang Tanduay Rhum Masters at Topstar ZC Mindanao.

Nadapa ang Rhum Masters sa Phoenix 108-95 noong Huwebes habang hinahanap pa ng Aguilas ang unang panalo sa liga.