Abante Tonite Interactive

Top 2 Most Wanted sa Aklan nalambat sa QC

311

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Quezon City Police District ang sinasabing Top 2 Most Wanted Person sa Batan, Aklan, na may kasong murder nitong Biyernes ng gabi sa Quezon City.

Sa ulat ng Novaliches Police Station 4 ng QCPD, alas-6:30 ng gabi (Pebrero 21) nang maaresto ang suspek na si Louie Alejandro alyas ‘Bogrong,’ 31, helper, tubong Aklan, at taga-Riverside St., California Village, Brgy. San Bartolome, Novaliches.

Ang suspek ay inaresto ng puwersa ng QCPD-PS 4 at Aklan Police Provincial Office (PPO) PRO6, sa West Los Angeles, California Village, Brgy. San Bartolome, Novaliches matapos makatanggap ng ‘tip’ hinggil sa pinagkukutaan nito.

Nakapiit na ngayon ang suspek at walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa kanyang pansamantalang paglaya. (Dolly ­Cabreza)