Abante Tonite Interactive

Top 3 dogs para sa mga batang autistic!

0 209

Dear FURRever FURRiends

Alam niyo po ba na ang mga aso ay nakakatulong pala sa mga batang autistic?

Last week, nagkuwento ako tungkol sa isang batang may severe autism at kung paano siya naging mas sociable dahil sa pagmamahal ng isang aso.

Totoo po! May mga research na nagpapakita na mas malawak ang social skills ng karamihan ng mga batang autistic na may family pet kaysa sa mga walang pet.

May iba pang findings na nagpapakita na kahit sa sandaliang pakikipaglaro ng isang autistic child sa isang hayop (tulad ng Guinea Pig) nagkakaroon sila ng temporary improvement of social behavior.

Pero bago po kayo mag-adopt ng aso, alalahanin ninyo ang mga sumusunod:
Una – Hindi lahat ng autistic ay nagre-respond sa aso. Kailangang subukan niyo muna kung ano ang reaksyon ng inyong anak sa isang tuta.

Pero siguraduhin niyo muna na walang sakit ang aso bago niyo ito i-expose sa inyong anak.

Pangalawa – Dogs are a commitment. Kailangan nila ng masustansyang pagkain at regular na check-up sa beterinaryo. Huwag niyo po silang ikulong o i-leash magdamag. In fact, karamihan ng therapy dog ay natutulog sa kwarto ng kanyang amo. Commitment talaga!

Pangatlo – Mandatory ang ‘obedience training’. Pag walang training­ si Doggy, madadagdagan lang ng problema ang buhay at bahay niyo! Sa susunod kong column, tatalakayin natin ang paksang ito.

Top 3 Dogs for Autistic Children:

1. Golden Retriever – Sila ang #1 breed para sa mga autistic children dahil sila ay likas na kalmado at mapagpaubaya sa kakulitan ng mga bata.

Mataas din ang energy level ng Golden Retriever na bumabagay sa mga aktibong bata. Alalahanin lang na ang breed na ito ay malaki kaya kailangan nila ng malaking space.

2. Aspin – Magandang choice ang Asong Pinoy! Sila ay mapagmahal, madaling i-train at low-maintenance. Matatag ang resistensya nila kaya bihira silang magkasakit. Gayunpaman, kailangan pa rin nila ang regular check-up sa vet.

3. Poodle – Para sa mga pamilyang may allergy, perfect ang Poodle dahil sila ay ‘hypoallergenic’. Ibig sabihin, hindi sila nag-tri-trigger ng mga allergy sa karamihan ng mga tao. Ako po ay may apat na Standard Poodles at ginagarantiya ko na sila ay isa sa mga pinakamabait at pinakamatalinong companion dog!

Kung mayroon po kayong hayop na kwento tungkol sa inyong autistic child at ang kanyang aso, paki-email lang sa akin – usapangpetmaluatbp@yahoo.com at baka i-feature ko po ang istorya niyo sa column na ito!

Lovingly yours,
Joyce