Abante Tonite Interactive

Top 3 movies sa MMFF bumaba ang kita

5,309

KAHAPON ang hu­ling araw ng Metro Manila Film Festival at natutuwa ang mga taga-MMFF dahil patuloy pa ring kumikita ang mga pelikulang kalahok.

Malakas pa rin ang mga nangunguna sa takilya pero ang mas nakakatuwa, lumakas din ang mga dating nahuhuli pero humakot ng awards.

Totoo ngang malaki ang naitulong ng pagkakuha nila ng awards, at word of mouth na rin dahil kung maganda talaga­ ang pelikula lalong dumarami ang nagkakainteres na panoorin ito.

Napatuna­yan ito ng Deadma Walking na patu­loy pa ring dumarami ang nagkakainteres na panoorin ito.

Anyway, nagpadala ng statement ang Executive Committee nito na nagpapasala­mat sa mainit na pagtanggap sa ngayong taong MMFF, at hindi malayong makuha ang target na 1 billion na box-office returns.

Abangan natin sa mga susunod na araw ang kanilang announcement ng box-office results ng MMFF 2017.

“We are grateful that people have gone back to the theaters to watch Filipino films once again, and the traditiona­l audiences du­ring the Holidays like kids and families are reinforced by the millennials and working class who have supported not just one or two but more and more films in the festival,” bahagi pa ng statement nila.

Maganda nga itong bagong patakaran nilang walang magla­labas kung magkano ang kinita sa mga u­nang araw ng filmfest, at walang magki-­claim kung sino ang nangunguna sa takilya para hindi makapag-create ng bandwagon. Hindi maaapektuhan ang mga nangungulelat sa takilya.

Kaya naman nakaahon talaga ang ilan, at iyung ilang nasa top three, medyo bumaba ang kita, pero malaki pa rin naman.

‘Itigil ang inggitan sa movie industry!’ – Mother Lily

ANYWAY, malaki talaga ang kinita ng Gandarrapido ni Vice Ganda. Malaki rin ang kinita ng Ang Panday ni Coco Martin, pero ayon sa ilang napagtanungan namin, malaki talaga ang agwat ng kinita ng movie nina Vice, Daniel Padilla at Pia Wurztbach.

Pero iisa lang ang wish ni Mother Lily, sana raw mabalik ang malaking ipinuhunan ni Coco dahil gusto raw niyang masundan pa at patuloy pang mag-produce at magdirek si Coco ng maraming pelikula.

Sabi pa nga ng Regal matriarch, sana mawala na raw yung inggitan. Wala na raw sanang hilalahan pababa.

“Kasi kung wala naman inggitan na kami number one o number two, maganda lang yung sama-sama tayo para sa industry, ‘di ba?” bahagi ng paha­yag ni Mother Lily nang sandali naming nakatsikahan sa presscon ng pelikula niyang Mama’s Girl.

“Akin … gusto ko sa movie industry na lang talaga. Okay lang ikaw number one, ako number two o pang-ilan basta lahat sana tulungan, wala inggitan. Lahat puwede kumita,” dagdag niyang pahayag.