Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Top 6 most wanted sa QC binitag

0 60

Arestado ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang lalaking itinuturing na Top 6 Most Wanted Person (MWP) sa station level dahil sa kasong robbery sa Quezon City.

Kinilala ni QCPD Director, PBGEN Ronnie Montejo ang naaresto na si Jesslord Cabasag, 24, ng Brgy. Sto. Niño, Quezon City.

Sa rekord, si Cabasag ay wanted sa kasong robbery at itinuturing na Station Level Top 6 MWP ng Galas Police Station 11 (PS-11).

Alas-5:40 ng hapon (Sept. 12) nang maaresto ng pinagsanib na puwersa ng PS-11, District Special Operations Unit (DSOU) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Camp Crame, ang suspek sa Biak na Bato, Brgy. Sto. Niño matapos makatanggap ng tip hinggil sa kinaroroonan nito.

Sa ngayon ay nakapiit na si Cabasag at walang piyansang inirekomenda ang hukuman para sa kanyang paglaya. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.