Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Top leader ng NPA, 1 pa tigok sa engkuwentro

0 337

Patay ang dalawang kasapi ng New People’s Army (NPA) kabilang ang isang mataas na opisyal ng samahan matapos ang engkwentro kontra tropa ng pulisya at sundalo Huwebes ng madaling araw sa bayan ng Tigbao, Zamboanga del Sur.

Sa inisyal na ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, nagsasagawa ng operasyon ang mga sundalo at pulisya sa Guinlin-Tigbao alas-5:00 ng madaling araw dahil sa nakuhang impormasyon hinggil sa presensya ng mga NPA na pinamumunuan ng isang alyas Nathan sa Purok Milid, Barangay Guinlin, Tigbao, Zamboanga del Sur.

Nagkaengkwentro ang dalawang panig na ikinasawi ng NPA official na si Felimon Suaso alays “Nathan”, 70, P.I. WMRPC leader at kasamang si Jason Cordero alyas “Tito”.

Sugatan naman at ginagamot sa Asia Hospital sa Pagadian City ang isa pang miyembro ng NPA at isang sibilyan sa palitan ng putok.

Nakumpiska sa lugar ang 1 M16 na may nakakabit na grenade launcher, 1 kalibre .45 at 9mm na baril at mga magazine at bala at iba pa. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.