Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Top NPA off’l bulagta sa Laguna

0 248

Napatay ng militar ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army sa nangyaring engkuwentro sa Kalayaan, Laguna.

Kinilala ni Lieutenant Colonel Jesus Diocton, Commanding Officer ng 1st Infantry Battalion, ang namatay na si Mario Caraig, alias Jethro, tumatayong secretary ng Southern Tagalog Regional Party Committee at Sub-Regional Military Area 4C.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakaengkuwentro ng NPA ang pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Munisipalidad ng Kalayaan.

Nangyari ito ng alas-11 ng gabi ng Biyernes kung saan namataan ng tropa ng pamahalaan ang mga rebelde sa Sitio Boho at Brgy. San Antonio.

Narekober ang.45 pistol, 9mm pistol, 2 granada at mga dokumento. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.