Abante Tonite Interactive

Top official ng ISIS patay sa air strike

By
40

Patay ang isang mataas na opisyal ng Islamic State sa isinagawang air strike sa Syria, ayon sa Pentagon.

Kinilala ni Pentagon spokesman Peter Cook, ang napatay na si Wa ‘il Adil Hasan Salman al-Fayad o kilala bilang Dr. Wa’il sa air strike na isinagawa malapit sa Raqqa.

Si Wa’il ay minister of information at prominenteng miyembro ng Islamic State’s Senior Shura Council.

Nabatid na malapit din ito kay Abu Muhammad al-Adnani, ang tagapagsalita ng grupo na nauna nang napatay.