Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Top opisyal ng NPA bumulagta

0 427

Patay ang isang mataas na opisyal ng New Peoples Army (NPA) matapos makasagupa ang awtoridad sa Barangay Kimbutan, Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang nasawing opisyal ng NPA na si Rommel Tucay alyas Steve Isaac, sekretarya ng Kilusang Larangan Gerilya (KLG) Sierra Madre na nahaharap sa kasong homicide.

SM food to go Banner Ad

Isisilbi sana ng mga tropa mula sa 7th Infantry Division (ID) kasama ng Dupax-Philippine National Police ang warrant of arrest laban sa suspek nitong Biyernes ng hapon pero sinalubong umano sila ng putok ng suspek na nagresulta sa limang minutong sagupaan at agarang pagkamatay nito.

Nakuha mula sa crime scene ang isang 9mm pistol, mga dokumento, tatlong tablet, pitong cellphone, dalawang Icom radio sets, tatlong powerbank, at mga personal na gamit. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.