Abante Tonite Interactive

Top wanted ng Zamboanga dinakip

By
133

Naaresto ng mga awtoridad ang top most wanted person ng bayan ng Buug sa Zamboanga del Sur makaraang magkasa ang pulisya ng manhunt operation.

Nagtamo ng tama ng bala sa binti ang suspek na si Dhats Manguda, 39, nang tangkain nitong takasan ang mga operatiba noong Biyernes na tumugis sa kanya sa bayan ng Kumalarang sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder.

Dinala ang suspek sa headquarters ng pulisya sa Kumalarang matapos gamutin.