Abante Tonite Interactive

Topakin na female personality iniwan ng boyfriend

922

Kalat na kalat na pala ang mga kuwento ng pagiging supu-ngin ng isang kilalang female personality. Iisa kasi ang sinasabi ng kanyang mga nakarelasyon.

Ang paglalarawan ng mga ito sa female perso-nality ay mahirap pakibagayan ang ugali, may sari-ling mundo, sarili lang niya ang mahalaga para sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Naging sikreto ang relasyon nila nu’n ng isang male personality. Pinag-usapan na nila ‘yun, ayaw kasi ng girl na maging pampubliko ang relasyon nila.

“Okey lang naman ‘yun sa guy, kapag may nagtatanong sa kanya, e, puro ngiti lang ang isinasagot niya tungkol sa relasyon nila ng female personality.

“’Yun kasi ang gusto ng babae, ang hindi pag-usapan ang relationship nila, kaya okey lang. Pero nu’ng magtagal-tagal na sila, e, ang male personality rin ang nakipag-break.

“Kasi nga, e, hindi na niya matagalan ang ugali ng girl na pati ba naman siyang boyfriend na, e, kailangang by appointment pa rin ang pakikipag-usap sa karelasyon niya?

“Mismo! Kapag sinabi ng girl na huwag muna siyang kausapin in three days, kailangang ganu’n nga ang gawin ng male personality. Walang tet, walang kahit ano, kailangan niyang palampasin talaga ang three days na sinabi ng girl!” natatawang-naiinis na kuwento ng aming impormante.

Kahit ang kampo ng isa pa niyang nakarelasyon ay ganu’n din ang kuwento, maraming kadramahan ang female p­ersonality, mahirap siyang main-tindihan sa kanyang mga gustong mangyari.

Kuwento uli ng aming source, “Pabago-bago ang isip niya, okey na sila ng boyfriend niya sa pag-uusap na lalabas sila for dinner, handang-handa na ang guy kahit sobrang busy pa siya, pero biglang sasabihin ng girl na hindi na sila matutuloy.

“Wala lang, basta ayaw na raw niya, tinatamad na raw siya. Nakakalokah pala talaga ang topak ng babaeng ‘yun, nag-iisa lang talaga siya! Extreme ang drama niya sa buhay!

“Wala tuloy siyang nagtatagumpay na relasyon, palaging sa hiwalayan ‘yun nauuwi, sino ba kasi ang maysala?” nakairap na pagtatapos ng aming source.

Kathryn dating pumipila sa audition

Masarap na mahirap din ang maging matagumpay na tulad ni Kathryn Bernardo. Ma-tinding sakripisyo ang kakambal ng pagi-ging sikat niya.

Bukod sa kanyang pagiging magaling na aktres ay meron ding negosyo ang kanilang pamilya na kailangan niyang bigyan ng panahon, ang kanilang KathNails na may walong sangay na ngayon, basta libre ang oras ng young actress ay iniikutan niya ang kanilang business.

Magkapareho lang sila ni Alden Richards na nga-yon pa lang ay pinaghahandaan na ang panahong hindi na sila masyadong mabenta bilang artista. Malayung-malayo pa namang mangyari ang ganu’n, pero mas malayo na ang takbo ng kanilang utak, kaya ngayon pa lang ay nagnenegosyo na sila.

Nakakahanga si Kathryn. Nag-aartista siya, nagnenegosyo, at nag-aaral pa rin siya. Malaking hamon para sa young actress ang kanyang mga kapatid na puro titulado.

Puring-puri ni Tita Min ang disiplina ng kanyang anak, kahit sa pakikipagrelasyon ay may matinding kontrol si Kathryn, insiprasyon niya si Daniel Padilla at hindi magi-ging desperasyon sa kanyang buhay.

May premyo talaga sa bandang dulo ang pagiging matiyaga. Palaging pumipila nu’n sa mga audition si Kathryn. Nakapasok siya sa ABS-CBN nang walang kahit sinong backer, talento niya ang kanyang puhunan, na ngayon ay nagbibigay na sa kanya ng gintong ani.

Isang panibagong golden harvest ang tatanggapin ng dalaga kasama ang kanyang katambal na si Alden Richards sa Hello, Love, Goodbye.

Sa July 31 na ang pinakahihintay na showing ng pelikula, siguradong mangwawasak ng record sa takilya ang kanilang tambalan ng Pambansang Bae, peksman!