Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Topex iyak kay Calvin

0 37

HINDI tinanggi ni Phoenix Super LPG head coach Topex Robinson na napaiyak siya at dinamdam ang paghihiwalay nila ng landas ni Calvin Abueva.

Pero dahil sa malalim na rin nilang pinagsamahan at bilang isang `ama’ na anak na rin ang turing kay 33-anyos cager Calvin na nasa Magnolia na ngayon ay kailangan niyang magparaya para sa ikabubuti ng kanyang alaga.

“Kung may anak ka, you want… kung ano mas maganda para sa anak mo you will do it. Calvin knows this naman,” hirit ni Robinson.

Isa pa’y ramdam na ni Topex noon pa na darating ang panahong kukupkupin ng mas mapuwersang team si ‘The Beast’.

“Alam naman natin na [Magnolia] is a title contender ever since. I mean, him playing there for the next three years, hopefully, will give him a better chance,” pang-unawa pa nito kung saan tingin niya’y mas malaki ang tsansa ng nasuspindeng atleta na makasungkit ng kampeonato.

“Prior to him entering the bubble I made a promise to him na if things will turn out well with him and if may opportunity na — I’m talking about the future — sabi ko, tutulungan ko siya. Mayroon kaming ganoong usapan,” sambit pa nito. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.