Abante Tonite Interactive

TORNADOES SASAGUPA SA RED ROCKETS

114

Dinomina ng NEC Red Rockets ng Japan ang mas matatangkad na ­Altay VC ng Kazakhstan­ 25-16, 25-17, 25-19 sa 2016 AVC Asian Women’s­ Club Championship sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna nitong Lunes.

Dinispatsa ng J­apanese ang Kazakhs sa loob lang ng 74 minutes para tapusin ang first round na nasa tuktok ng Group C ng torneo na inor­ganisa ng Philippine Superliga­, Larong Volleyball sa ­Pilipinas, Inc., at city government ng Biñan sa pangu­nguna ni Congw. Len Alonte.

Tumapos si top gun Sarina Koga ng 14 points mula sa 12 kills at ace para sa Red Rockets, nag-ambag si skipper Akari Oumi ng 13 hits.

Ngayong 1:30 p.m. sa parehong venue, magtatagpo ang Japanese at Foton Pilipinas sa classification phase ng torneo na suportado ng SMM Sports, Nike, Senoh, Mikasa, Foton, BMW, Rexona, PLDT, Price Waterhouse Cooper, official resi­dence Crimson Hotel at television partners TV5 at SMM TV ng Thailand.

Kumpiyansa si Red Rockets coach Akinori Yamada na malulusutan din nila ang Tornadoes.

“I know some of the players like (Jaja) Santiago­ and (Ariel) Usher are very good. Their offense is very good. It’s going to be difficult but I know we’re going to win,” lahad ni Yamada sa pamamagitan ng interpreter.

Kontra Japan, iginiit ni Foton Pilipinas coach ­Fabio Menta na kaila­ngang mag-level up ang team.

“We have to play above our level to defeat them,” aniya.

Malamang ipahinga muna ni Menta si import Lindsay Stalzer, hindi rin naglaro kontra Thongti­n Lien Viet Post Bank ng Vietnam dahil sa back spasms.