Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Toroman kay Slaughter: Kayod pa more!

0 388

Pumirma na si dating Philippine Basketball Association (PBA) star Greg Slaughter sa international basketball agency na BeoBasket, pero tingin ni dating Gilas Pilipinas coach Rajko Toroman kailangan pang todo siyang kumayod.

“I think that Greg will have to work harder than before,” pahayag ni Toroman sa ESPN.

Kahit kailangan pang sumailalim sa mabigat na praktis, kumpiyansa naman ang 65-year Serbian tactician sa talentong meron ang former Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings center.

“Greg is an extremely smart guy. He is tall and mobile for his size. He has a nice shooting touch. He is a good rebounder,” hirit ni Toroman sa seven-footer.

Noong hawak pa niya ang national men’s cage team noong 2009-11, naging parte ng koponan niya ang dating Ateneo star.

“Greg Slaughter was part of Gilas from the beginning,” panapos na wika ni Toroman kung saan sinang-ayunan din ang pagsanib sa nasabing ahensya ng basketbolista. “His decision to sign with BeoBasket is great.” (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.