Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Torralba kinalaban mga NBA player

0 53

Grabeng kompetisyon din ang naranasan ni Joshua Torralba sa USA, kung saan naging trainer siya para sa Rio Grande Vipers Academy.

Sa panayam nina Abante ‘Sportalakan’ hosts Sarah Jireh Asido at Cyreel Zarate nitong Lunes, sinabi ni Torralba na nasubukan na niyang makaharap sa court ang ilang bigating manlalaro tulad nina Aaron Brooks, Shaun Livingston, Gary Payton Jr at Danuel House.

“There are a lot of guys that I’ve seen play and played with,” saad ng 26-year-old, 6-foot-2 swingman na former MPBL (Makati) at UAAP (La Salle Green Archers) player.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa mga nabanggit na manlalaro ni Torralba, angat ang pangalan ni Livingston, na nagwagi ng tatlong kampeonato bilang parte ng Golden State Warriors.

Hindi rin pahuhuli si Danuel House, na rotation para sa Houston Rockets, maging si Gary Payton Jr. na anak naman ng NBA Hall of Famer. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.