Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Torralba sa depensa huhugutan ni Racela

0 249

Walang ideya dati si coach Nash Racela kung pasok sa hinahanap ng Blackwater si Joshua Torralba.

Hindi nakapag-workout sa Bossing si Torralba pero hindi nagdalawang-isip ang team ni Dioceldo Sy na tapikin ang 27-year-old, 6-foot-2 combo guard sa virtual Draft noong March 14.

Kinuha ng Bossing sa second round (15th overall) si Torralba pagkatapos ni Rey Mark Acuno (14th).

Nang makaliskisan ni Racela, nakita ng coach ang tibay ng dating De La Salle guard. Ikinumpara niya si Torralba kay Tropang Giga veteran guard Ryan Reyes na mainam ang kontribusyon sa magkabilang dulo ng court at apat na beses naging miyembro ng PBA All-Defensive Team.

“Toughness, hustle, ‘yong kanyang versatility. Labas at loob, nakikita namin is he is more in the mold of Ryan Reyes,” puna ni Racela.

Kabisado ng coach ang laro ni Reyes na dati niyang player sa TNT.

Sina Acuno at Andre Paras ang nakapag-workout sa Bossing bago ang Draft, kaya kahit paano ay nakita ang kumpas ng dalawa sa team. Ginamit ng Blackwater ang 27th pick para kunin si Paras sa third round.

Pinapirma na ng Blackwater ng kontrata ang tatlo – tig-dalawang taon sina Paras at Torralba, isa kay Acuno. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.