Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Torre, Gonzales may online workshop

0 247

Hindi puwedeng kalimutan ang mga coach at trainer!

Kaya magkakaroon ang National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ng Free National Coaches/Trainers Online Workshop kasama sina FIDE (World Chess Federation) Senior Trainers GMs Eugenio Torre at Jayson Gonzales bilang lecturers sa July 24-26.

Ito ay may kaugnayan na pasiglahin ang chess coaches at trainers sa kapuluan ng bansa, maitaas ang talent ng mga bagong sibol na manlalaro saan man sila sa panig ng bansa.

Huwag kaligtaan ang free workshop mga ginooo at binibini sa alas-10:00 ng umaga-alas-12:00 nang tanghali, alas-2:00 nang hapon-alas-4:00 nang hapon at alas-6:00-800 nang gabi. Makukuha ang trainer titles sa workshop, pero kailangang magbayad dahil obigasyon din ito sa FIDE.

Leave A Reply

Your email address will not be published.