Abante Tonite Interactive

Total revamp sa BuCor inutos ni Digong

262

Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang top-to-bottom revamp sa Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa mga nabunyag na anomalya at katiwalian sa ahensiya.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na walang ititira sa mga opisyal at empleyado ng BuCor at lahat ng mga guwardiya ay papalitan mula sa probinsiya.

Nais aniya ng Pangulo na matigil na ang mga kalokohan at katiwalian sa nabanggit na ahensiya.

Ang top-to-bottom revamp ay magbibigay-daan din aniya kay bagong BuCor Director General Gerald Bantag na piliin ang mga tao nitong magpapatakbo sa ahensiya. (Aileen Taliping)