Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Totohanin ang unity

0 137

Natapos na ang eleksiyon 2022 at pormal nang naiproklama ang mga nadeklarang nagwagi bilang Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa.

Aantayin na lang nila President elect BongBong Marcos at Vice President elect Sara Duterte ang June 30 alas dose ng tanghali na siyang opisyal na pagsasalin ng kapangyarihan sa Malacanang.

Malaki ang nakuhang boto na maituturing na Majority president si BBM Ma isang magandang armas upang pamunuan na maayos ang bansa.

Pero ang nakapagtataka ay para panahon pa rin ang kampanya sa eleksiyon dahil tuloy tuloy ang awayan at siraan ng mga magkabilang kampo.

Walang humpay ang paninira at masamang trato sa oposisyon sa pangunguna ni outgoing Vice President Leni Robredo at damay pa ang mga anak nito.

Walang tigil din ang pag atake ng troll farm sa social media at para bang hindi pa tapos ang eleksiyon samantalang may nanalo na at na iproklama na.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Makakabuting pangunahan na mismo nila Marcos Jr. at Duterte ang paghilom sa malalim na sugat dulot ng mapait na kampanya sa eleksiyon .

Sana ay pagtigilin na ang mga banatan sa social media at totohanin ang kanilang ipinagsisigawan noong kampanya na pagkakaisa upang maibangon ang bansa.

Napakaraming problema ng bansa lalo na sa kabuhayan ng mga Pilipino na dapat ay mapagtuunan ng pansin .

Ang epekto ng pandemya sa ekonomiya at ang pagkakalubog sa utang ng Pilipinas ang ilan lang sa napakaraming problema ng bansa na dapat ay agad matugunan.

Sana ay wakasan na ang mga parunggitan at pagkakawatak watak ng bansa dahil wala ng kulay at dapat na magsama sama na ang lahat ng Pilipono para sa ikauunlad ng Pilipinas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.